Mensahe ng Pusong Nangungulila

4 1 0
                                    

Gabi na ngunit di makatulog,
Binalikan ang lahat ng alaalang masayang hinubog,
Binalikan ang mga panahong ako sayo'y nahulog,
Binalikan ang lahat bago tayo nalungkot.

Paano nga ba nangyaring lahat ng matamis na pangako,
Napaltan ng luhang ayaw nang huminto?
Paano nga bang ang mga matang hugis puso,
Tuwing umagang gumigising ng mugto?

Hindi ko parin matanggap na tapos na,
Hindi ko maisip na anim na buwan ka na palang nasa piling nya,
At eto ako, patagong lumuluha.
Pilit tinatakpan ang lungkot sa likod ng mga tawa.

Ansakit palang makitang hindi ka na akin,
Pero mas masakit ung pinaramdam mong kahit kelan hindi mo ako inangkin.
Patuloy akong nangungulila habang tinitingnan ang sarili sa salamin,
Nagbabaka sakaling bukas ay mawawala ang sakit ng damdamin.

Ipinagdasal kong mahanap nya ang kaligayahan at mapawi ang kanyang kalungkutan,
Ngunit naging kapalit non ang tuluyan mong paglisan,
Kailangan itong mangyari upang matupad ang aking kahilingan,
Makalipas ang isang buwan, nangyari na nga ang aking kinatatakutan at kayo'y nagkabalikan.

Mahal, kahit wala ka na sa aking piling,
Isa lang ang parati kong hiling.
Iyon ay maging masaya ka kahit hindi na ako ang kapiling,
Mamahalin nalang kita mula sa malayo tulad ng talang sa kalangitan ay nagniningning.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now