Isa, Ngunit Dalawa

1 0 0
                                    


Idadaan sa pagsulat ang lahat ng mabigat,
Ipipikit ang matang pinipilit magmulat,
Baka sakaling bukass maghilom na ang mga sugat.
Mga away na kay babaw ngunit tila nakabaon ang mga ugat.

Ang daming gustong sabihin,
Perohindi ko alam kung iintindihin.
Nakakapagod na rin kasing isipin,
Kung patuloy pa bang mamahalin.

Pinipilit ko namang magbago,
Para pantayan ang pagmamahal na ibinibigay mo.
Pero sadyang hindi tayo magtagpo,
Mga puso natin ay naglalayo at parehong nasa dulo.

Ang sakit ng bawat kataga,
Matatalas na palitan ng bawat salita,
Tila hindi mo naaalala kung paano nagkakilala,
Siguro nga ang tali ng relasyon natin ay isang tanikala.

Pagod ka na ba?
Gusto mo na bang magpahinga?
Gusto mo bang aliwin ang sarili pansamantala?
Baka lang kasi nagsasawa ka na.

Nagsawang magmahal sa kagaya kong hangal,
Nagsawang umintindi at ngayon ay nasasakal.
Ano nga ba kasi ang pagmamahal?
Bakit napakaraming dito ay sumusugal?

Ang mga ngiti na dati'y umaabot sa mga mata,
Napaltan na ng mga matang laging lumuluha.
Nagtatanong kung ano bang mali ang nagawa?
Bakit hindi ko na magawang ibalik ang tuwa?

Ang dating nagkaisa, ngayo'y nawawala,
Bumabalik sa pagiging dalawa.
Hindi na magkasundo at laging may tampo sa isa't isa.
Hanggang kailan kaya hahayaang may mamagitan sa mga bagay na ikasasaya?

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now