Karmelo

15 1 0
                                    

Unang beses palang nakita,
Sandali palang nakilala,
Pero minahal na kita.
Minahal na kita, dahil lubha akong namangha.

Isang maulang hapon, ako'y napatambay.
Sumama sa kaibigan kahit medyo nananamlay.
Kahit busog pa, pinilit kumain ng sabay.
Do'n ko unang nakita, mata mong mapungay.

Di 'ko alam ngunit, bigla akong natulala.
Pakiramdam ko, ang daming mga tala.
Hindi ko alam kung may sakit ba akong malala,
Basta ang alam ko, mula noon lagi kitang naaalala.

Nagpapatulong ako sa mga kaibigan ko,
Nais kong mapalapit sa'yo.
Marahil parehong estranghero,
Ngunit tadhana yata na magkakilala tayo.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Pero tila wala tayong pakialam, sa pusong tayo ang nagmamay-ari.
Mundo ay laging mayroong bahaghari,
Labi ko ay laging matamis ang ngiti, ang mawalay ka sa aki'y hindi maaari.

Mahal, naaalala mo pa ba no'ng unang beses mo akong nakasama?
Puso ko ay parang sasabog sa sobrang saya at kaba.
Ipinakilala mo ako sa iyong pamilya,
Sa sobrang hiya, gusto ko nang magpalamon sa lupa.

Ngunit kahit gano'n,
Maraming salamat na binago mo ang "noon",
Binigyan mo ako ng rason para bumangon,
Dahil do'n, malayo na ako sa sakit ng kahapon.

Umaasa akong ikaw ang kasama hanggang sa hinaharap.
Pinahanga mo ako sa iyong pagsisikap.
Kaya aasa akong, sabay nating tutuparin ang ating pangarap.
Sabay nating lalagpasan ang bawat paghihirap.

Ikaw ang lagi kong mamahalin,
Hindi kita babaguhin.
Buong puso kong tinanggap at patuloy na tatanggapin,
Pangit man o maganda, basta ikaw ang kasama, sa bawat bukas na haharapin.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now