Libog Lang

16 1 0
                                    

Naranasan mo na ba ung mahalin dahil maganda ka?
Naranasan mo na ba ung mahalin dahil magaling ka lang daw sa kama?
Naranasan mo na ba ung relasyong masaya lang sa simula?
Kung oo, para sa'yo itong tula.

Madalas wala na tayong pakialam, basta may jowa ayos na.
Basta may kasama kang gwapo o maganda,
Minsan bonus kapag sikat pa,
Lagi nalang bang pwede na?

Konting chat, kinikilig agad.
Minsan o madalas kang mapagkamalang higad.
Hilig mo kasing sumagad.
Pag nilandi ka, jowa na, mahal mo na, bukaka naman agad.

Pinaglihi ka ba sa gunting?
Baka sa araw na masanting?
Sanay na sanay humalinghing ang munting kunting.
Ipapaalala ko lang, ang relasyon ay may taning.

Gusto mo ng pangmatagalan,
Pero umaakto ka na parang walang pinag-aralan.
Masyado mong ginalingan,
Kaya ayan ka ngayon, ginawang panandalian.

Mahal mo ba talaga o libog nalang?
Sa sobra mong tanga, ung matitino, bigla mong sinayang.
Bigla mong pinaslang,
Mistula bang kaluluwa mo'y halang.

'Wag mong paasahin kung basta ka lang nainitan.
Babae yang pinaglalaruan mo, marunong masaktan.
Wala na nga syang itinirang kasuotan,
Hindi mo pa ituturing na pangseryosohan?

Kung akala mo katawan nya lang ang nasugatan,
Kumot lang ang naduguan, unan lang ang naluhaan,
Bakit 'di mo ulit pag-isipan? Bakit hindi mo panindigan?
Hindi ung gagawin mong parausan na bigla mo nalang iiwan at tatalikuran.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now