Panibagong araw,
Panibagong pananaw,
Ngunit mistula atang ikaw parin ang nais matanaw,
Kahit na nga puso ko'y ikaw ang nagpagunaw.Mayroon akong nakalimutan,
Pinakaimportanteng kasangkapan.
Kung hindi mauunawaan,
Huwag na tayong umasa sa relasyong pangmatagalan.Ano na naman ang ginawa?
Ako na naman itong lumuluha,
Ako na naman ang nasira,
Ako na naman ulit mag-isa!Bakit mo ako iniwan mahal?
Akala ko ba nais mong tayo'y magtagal?
Bakit yakap ko ay iyong tinggal?
Ito na ba ang kapalit ng lahat ng aking sinugal?Patawad kung ikaw ang naging mundo,
Patawad kung ikaw parin ang sigaaw ng puso,
Patawad kung hindi na ako ngunit makulit parin ko,
Patawad kung nakalimutan kong ikaw ay tao.Kaiwan-iwan at marapat na talikuran,
H'wag mo akong tularan,
Hindi mo kasi ako kayang panindigan.
Binitawan ko na ang pangakong "walang iwanan".Magaling kang magpanggap,
Mabilis kitang tinanggap,
Lahat ng hinahanap,
Kasama kita sa lahat ng ganap.Paano ka nagbago?
Bigla mo akong ginago!
Patalikod mo 'kong niloko,
Dahil sa'yo lang umikot ang buhay ko.Ano bang pakiramdam?
Ako lang ba ang nagdaramdam?
Bakit parang ako ang lumalabas na nanghiram?
Bakit mo ako naitali, sa likod ng pag-aagam-agam?Patawad mahal, kung 'di maisuko ang sarili,
Hindi ko nais na magmadali.
Naisip kong baka sakali,
Kung 'di ibibigay ay mas madaling matali.Akala ko'y iyong ipagmamalaki,
Pero naagaw at nagpaagaw ka sa babaeng makati,
Pumatol ka rin sa kapwa mo lalaki,
Mahal, sa akin ba talaga'y wala nang paki?Tuwing naaalala, bawat araw na ako'y lumuluha,
Pakiramdam ko'y napakahina.
Papasok akong tulala,
Siguro tuwing ako ay iyong makikita, imbes na lumuha ay lalo kang natuwa.Masyadong masakit!
Sasabog ang utak ko sa dami ng bakit!
Ikaw parin ang nakikita ko tuwing pumipikit,
Pagmulat ay mga alaala nalamang na marikit.Habang sarili n'ya sayo'y inihahandog,
Hindi mo ba naisip na ako'y madudurog?
Pagkatapos ay hindi ka parin nauntog,
Patawad mahal kung damdamin at emosyon lang ang aking hinubog.Yaman lamang na napili mo ay s'ya,
Sana pareho kayong maging masaya.
Sana hindi mo pagsisihan ang naging pasya,
Ngayon mahal, ako''y bibitaw at magpapaalam na.(Read it also in reverse.)
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoetryA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)