Pagkagunaw

17 1 0
                                    

Araw-araw ikaw ang gustong matanaw,
Araw-araw, hanap ng mga mata ay laging ikaw.
Inaantay ang damdaming nagbibigay ng tanglaw,
Sa pusong ikaw ang dahilan ng pagkaligaw.

Utak ko ay parang magugunaw,
Mundo ko ay ayaw huminto sa paggalaw.
Pagod na ang puso ko sa kakasigaw,
Daig ko pa ang nadaplisan ng balang ligaw.

Isang araw, mga mata nati'y nagtagpo,
Para ka palang droga, ngayon ko lang napagtanto.
Sabi mo sa'kin, "Pahingi ng number mo."
At doon mismo, magkahalong kilig at takot ang naramdaman ko.

Kitang-kita ko sa mga mata mo,
O nagkakamali ba ako?
Kaya mo nga bang magmahal ng seryoso?
Baka kasi isa lang ako sa mga reserba mo.

Ikaw, yung tipong mahirap paniwalaan.
Ikaw, yung tipong hindi madaling bitawan.
Ikaw, yung tipong gusto kong ipaglaban.
Ikaw, yung tipong gusto kong pakasalan.

Lumipas ang mga araw, naging malapit ako sa'yo.
Madalas tayong magkita sa bahay niyo.
Isang beses tinawag mo ako, sa paglapit ko'y hinawakan mo ang kamay ko.
Sandali lang, parang mali ata 'to.

Bumalik ako sa pwesto ko, nginitian mo ako.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ba't ganto?
Biglang nagbago ka pagkalipas ng isang linggo.
Naguguluhan ako, pa'no ba tayo umabot dito?

Ayon! Sinira pala tayo, kaya ganito.
Unti-unti kang umiwas, pero binigla mo ang paglayo.
Binigla mo rin ako. Bakit iniwan mo 'ko?

Bakit parang bigla mo 'kong niloko?

Hanggang sa hindi na tayo nagkita.
Balita ko may iba ka na.
Tama nga ako, lumaban ako ng mag-isa.
Simula noon, kinalimutan na kita.

Dumating yung araw na gusto kitang pagbigyan.
Mahirap, pero pinilit kitang paniwalaan.
Muli kong tinahak ang magulong daan.
'Di ko namalayan, bigla kitang binlikan.

Sa aking pagbalik, naramdaman ko ang iyong halik.
Bigla nalang, sa presensiya mo ako'y sabik.
Pinagmasdan ko ang mahaba mong pilik,
Ako'y nahihimbing, samantalang ika'y humihilik.

Ayoko na matapos ang sandali.
Hindi na 'ko mapakali, gusto kita laging katabi.
Pero nagulat na lamang ako, nakita ang sarili sa isang tabi na patagong humihikbi.
Bigla kang nagpatali, iba na ang hinahagkan mong labi, iba na ang kayakap mo sa gabi.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now