Huminto ka at iyong pag-isipan,
Matapos mong pakinabangan,
Ako'y bigla mong kinalimutan,
Sinira mo ang pinaka iingatan kong yaman.Anong klase kang nilalang?
Kinaya mong pumaslang,
Damdamin ko'y hindi mo man lang isinaalang alang,
Minahal kita at inalagaan ngunit itinuring mo ako na parang wala lang.Sino bang sasaklolo?
Ubos na ubos na ako.
Winasak at pinabayaan mo.
Wag ka sanang magsisi hanggang sa dulo.Mahalaga ako sa'yo, yan ang buo kong akala.
Ngunit hinayaan mong kondisyon ay lumala,
Wala kang ginawa at tuluyan mo akong binalewala.
Sana kung ako'y wala na, patuloy kng makaramdam ng ginhawa.Hindi ka marunong makinig,
Mistulang ako'y walang tinig,
Hindi ako papayag na kapalaluan mo'y manaig,
Nawa ay hindi pa huli, para sa ating daigdig.Mistula kang ahas,
Inagaw mo ang aking gandang likas,
Sa responsibilidad mo ika'y tumakas,
Sa pangtratraydor ay dinaig mo pa si Hudas.Kilala mo pa ba ako, anak?
Ako ang nag-iisang dahilan kung bakit dugo ay dumadanak.
Ako na walang laban, ngunit pilit mong winawasak.
Ako na pinangalagaan ng lahat ngunit hinayaan mo lamang na mapahamak.Ina, sa aking pagtampalasan, ako'y patawarin.
Hindi ko nais na ika'y sirain at paluhain.
Dahil sa akin ika'y namamatay sa maruming hangin.
Dahil sa akin at sa makamundo kong hangarin.Sinira ko ang mga bundok mong luntia at karamihan ay ginawa kong kapatagan,
Pinabayaan ko ang kapaligiran,
Patawarin mo ako Inang Kalikasan.
Patawarin mo ang tulad kong pabaya at makasalanan.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoetryA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)