Lubhang Nasasaktan

8 1 0
                                    

Bakit nga ba pag nandyan ay binabalewala,
Tapos hahanap-hanapin sa tuwing wala?
Bakit nga ba nagbago kung saan nagsimula?
Bakit nga ba ngayo'y sinusulat ko 'tong tula?

Balikan natin ang umpisa,
Noong una sobra nating saya.
Tinginan at ngitian, sabay tawa
Na para bang sa isa't isa hindi tayo magsasawa.

Naglakad tayo sa tabing dagat,
Sa pagmamahal mo mata ko'y iyong iminulat,
Ngunit dahil tila nagkaroon ng lamat,
Heto ako ngayon puyat at nagsusulat.

Gaya ng ibang kwento,
Kailangan kong lumayo.
Kailangan nating magtrabaho,
At oras natin ay hindi magkatagpo.

Isang gabing sobrang tamis,
Biglang napaltan ng inis.
Puso mo'y ako pa nga ba ang nais?
O pilit ka nalang bang nagtitiis?

Dati tuwing bago matulog ikaw ang nasa isip,
Kasama kita hanggang sa panaginip.
Pero tadhana ata ay nag-iba ng ihip,
Baka ikaw nga ay isa lamang panaginip.

Minahal kita sa paraang alam kong tama,
Pero bakit parang pakiramdam ko ako ung masama?
Gusto ko lang naman na ikaw ay makasama,
Dahil baka sa pag gising, mundo ko'y iba na.

Natatakot akong malaman,
Kung ano ang dahilan.
Bakit mo ko iniiwasan?
Kung kailan ayaw na kitang iwan?

Bakit sobra mo akong itinaas,
Kung bigla ka lang naman din palang iiwas?
Pagmamahal mo'y tila patuloy sa pagbawas,
Lalo na siguro sa aking pagluwas.

Pero mahal, sa oras na ika'y maiwan,
Sana wag mo akong palitan.
Dahil umaasa ako na mayroon akong babalikan,
Dahil aasa akong muli kitang mahahagkan.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now