Hindi lahat ng ginagawa mo ay nakakatuwa,
Minsan hindi ka na nakakaawa, kasi ika'y nakakaadwa.
Alam mo ba kung gaano kalaki ang dinulot mong pinsala?
Napakaraming tao sa buhay ko ang dahil sayo'y nawala.Kailan ka ba matututo?
Hindi ko na mabasa kung anong bagong pakulo ang iyong niluluto.
Puso't isip ko ay laging nalilito.
Anong mundong pinasok ko?Magaling kang magpaliwanag,
Magaling kang humingi ng tawad,
Nakukuha mo ang gusto mo sa pamamagitan ng isang tawag.
Hindi ko makita kung intensyon mo ay tunay o huwad.Tunay na kaligayahan,
Tingin ko'y hindi sa'yo matatagpuan.
Ngunit paano magdedesisyon kung tuwing walang mapuntahan,
Ikaw lamang ang natatakbuhan.Daig mo pa ang droga,
Mistulang sa'yo ay 'di ako makawala,
Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa.
Para mo akong ikinulong at hindi ako makawala.Hindi ito pagmamahal,
Kung patuloy tayong nasasakal.
Baka sa sobrang pagal,
Mauwi lang sa pagpapatiwakal.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoetryA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)