Unang pagkikita sa opisina,
Kapansin pansin ang kanyang postura,
Mistulang diwata na napakaganda.
Animo'y mayaman kung pumorma.Sino nga bang mag-aakala na magiging malapit tayo?
Tiniis mo ang aking pagkasuplado at pagiging barumbado,
Ginulo ko ang iyong mundo at nagpapansin ako sa'yo.
Salamat naman, hindi ako nabigo.Lumipas ang mga araw,
Hindi pa man ako nanliligaw ngunit sa inyo ay dumalaw,
Tinitigan kita at kulang nalang, ika'y matunaw.
Ngunit natatakot ako na baka ang mundo mo'y magunaw.Maghapon hanggang magdamag tayo kung mag-usap,
Nalulusaw ang puso sa mga tawang sa pandinig ay kay sarap,
Ngunit patawad, hindi relasyon ang aking hanap.
Nakalimutan mo yata na ako ay magaling magpanggap.Isang tanghali, nagmamadali tayong umuwi.
Usapan ay tatambay lang ngunit masyadong nawili,
Sa kwarto tayo naglagi, at doon nga nagdikit ang mga labi.
Nagningas ang apoy sa katawan at wala akong pinaglagpas na sandali.Ramdam kong ika'y nagmamahal,
Ngunit kahit gano'n pinili mong sumugal,
Kahit na parehas naman nating alam na hindi ito magtatagal.
Habol ko lang naman ay dungisan ang iyong dangal, napakahangal.Wala akong pakialam sa iyong nararamdaman,
Ang mahalaga, libog ay maibsan.
Dahil pwede naman,
Wala ka namang magagawa kung bigla kitang iwanan.Sanay na sanay ka naman sa paghalinghing,
Bihasang bihasa kang gumiling,
Hindi ako nagkamali sa lakas ng iyong dating,
Isa kang malaking tanga, kung inisip mong sa iyo'y mahuhumaling.Magtataka pa ba kung puso ay laging nababasag?
Ano bang bago, eh matagal ka nang laspag?
Matagal ka nang ganyan ngayon ka pa nabagabag?
Kung nakuha kita ng mas maaga, baka sakaling ako'y nahabag.Sandali lang tropa, hindi ko naman sinabi na gusto kita.
Ikaw lang naman itong umaasang higit tayo sa tropa,
Ayan ang napapala ng mga pabida,
Anong pakiramdam ng tinikman ka lang ng barkada?Sa sobra mong ganda, marami ang nalilinlang,
Ngunit baka nga ako'y may kaluluwang halang,
Hindi ako naaawa sa mga ganyang nilalang,
Dahil pareho lang naman kaming ang habol ay libog lang.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoetryA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)