Magulong Pag-iisip

9 1 0
                                    

Kamusta, pang ilang araw na ba?
Gusto mo pa ba ang iyong ginagawa?
Gusto mo bang manatili pa?
O nais mo nang maglaho ng parang bula?

Ang hirap ng 'di mo alam kung ano o paano,
Ang anino ng kahapon mo ay tinatanong ang sino at kanino?
Paano ka nga ba umabot dito?
Handa ka na bang tapusin ang paghihirap mo?

Napakaraming tanong na gumugulo.
Napakaraming tumutulak upang mahulog ka sa dulo.
Napakaraming tao ang masama sa mundo,
Napakaraming tao rin ang nagmamahal sa'yo.

Araw-araw ay mistulang dumadaan sa paglilitis.
Araw-araw ay nadadagdagan ang sakit na iyong tinitiis.
Wala kang magawa kundi ang mainis.
Ang mga mata mo'y parang batis.

Ang buhay mong dating marikit,
Ngayon ay puno na ng alaalang mapait.
Sa pagiging mabait patuloy paring nakakasakit.
Sana sa pagtulog, ay habang panahon na akong pumikit.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now