Ex

4 0 0
                                    

Mahal, salamat sa mga oras ng kaligayahan.
Sa mga panahong pinawi mo ang kalungkutan,
Sa mga oras na ako'y iyong pinaglaban.
Pero bakit, sa mga pagsubok ay hindi mo ko nagawang panindigan?

Simulan natin ang istorya,
Kung paanong ako na naman ang kawawang nobya.
Ang babaeng labing apat na taong naghintay bago mapasakanya,
Ang babaeng hindi nya nagawang makita kung gano kahalaga.

Sabi sa'kin ng mga tropa, "kapag masakit na, bitaw na".
Sabi ko sa kanila, "hindi ko kayang bitawan ang isang bagay na hindi ko kayang makitang hawak ng iba."
Pero teka, sino sya at bakit kayo magkasama?
S'ya na ba ang ngayon sa iyo'y nagpapaligaya?

Sandali. Huminto ka, sandali.
Sa mga pangakong binitawan hindi mo ba naisip na nananatili akong nakatali?
Pinakawalan mo ko pero ang isip ko naman ay hindi makali,
Pinakawalan mo ko sa kadahilanang iniisip mong tayo'y mali.

Isang malaking pagkakamali!
Baka nga masyado akong nagmadali,
Baka nga ang inibig kong tao ay hindi pa nakakawala at sa nakaraan nya'y nakatali.
Napaka tanga ko namang pumili.

Minsan na nga lang akong magtiwala dahil takot,
Kaya nga sa iba ika'y laging pinagdadamot,
Akala ko ikaw ang nagtanggal sa puso ko ng poot.
Pero mali eh, isa kang pinagbabawal na gamot.

Adik! Adik ako sa medisinang dulot mo,
Sa mga tawa at ngiti, maging sa mga halik mo sa labi ko.
Hindi mo alam ang pinsalang tinamo,
Sana hindi ako nangahas na maglakad sa mga damo.

Ang puso ko ngayon ay durog na durog,
Tadtad ng saksak ng patalim at may nakabaon pang bubog.
Sa nagdaang relasyon ay paulit ulit na nabugbog,
Akala ko nga ang hinaharap ay sabay nating hinuhubog.

Pero mali! Mali parin na ang pagkakaibigan ay aking nilabag,
Mali na hinayaan kong sa pitong buwan ako ay mahulog sa bitag,
Hinayaan kong puso ko ang maging bihag,
Sa pag aakalang ang pundasyong itinayo ng dalawang puso ay matatag.

Nasobrahan ka ba sa pag yanig?
Bakit tila hindi mo na ako marinig?
Ikaw ba ay nasa ibang daigdig?
Siguro nga, dahil tibok ng puso mo'y tumigil na sa pagpintig.

Isa nalang ang aking hihilingin,
Ingatan mo ang iyong sarili at abutin ang harangarin.
Wag kang magpapabaya, bantayan mo ang layag at iayon mo sa direksyon ng hangin,
Malay mo sa pagdaong mo sa buhangin, tangayin ka pabalik, patungo sa akin.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now