Ikatlo

2 0 0
                                    

Sinong mag-aakala na sa dulo ikaw pala at ako,
Sa isang gabing nakasama ka at sa kwentuhan ay nakasalo.
Wala sa hinagap na minsan sa buhay ay magtatagpo,
Pero eto tayo, sumusugal sa isang laro.

Laro ng pag-ibig na alam naman natin pareho kung gaano kadelikado,
Ngunit tila ba walang pakialam ang ating mga puso.
Masaya ka sa'kin, at masaya rin ako sa piling mo,
Sana ikaw at ako, ay manatiling nakahawak sa isa't isa hanggang dulo.

Hindi man tayo perpekto,
Ang mahalaga, tayo ay kuntento.
Isusulat natin ang sarili nating kwento,
At hindi tayo magpapadala sa panlalason ng mundo.

Hindi man tayo sigurado sa agos ng tadhana,
Ang mahalaga sigurado tayo sa ating nadarama.
At balang araw tayo ay magsasama,
Balang araw, sabay tayong haharap sa dambana.

Sabay nating haharapin ang bawat umaga,
Sabay nating aayusin ang bawat problema.
Hindi nako magdadalawang isip sa ating dalawa,
Pagkat ikaw pa lang, sapat na sapat na.

Ngayo'y tayo'y nasa panibagong yugto,
Mas dapat pa nating pagtibayin lalo,
Mga pangarap at bawat pangako,
Ngayon ang ikatlo, at ramdam ko at pagsisikapan natin pareho, na ikaw at ako parin sa dulo.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now