Sinusubukan kong aking atensyon ay sa iba na ibaling,
Ngunit puso ko'y ikaw parin ang hinihiling.
Kahit ngayon ay iba na ang iyong kapiling,
At sa kanya, ikaw ay nahuhumaling.Pagbabalik mo ang tanging nais,
Kahit minsan sobra kang nakakainis,
Hindi ko mapigilang sa'yo ay mangulila ng labis.
Pagkat hanggang ngayon hanap-hanap pa rin ang mga halik na kay tamis.Dati-rati sabay tayong nangangarap,
Akala ko'y tayo na hanggang sa hinaharap.
Ngunit isang araw ika'y aking hinanap,
Nagulat ako sa mga naganap.Pagkat limang araw pa lamang ang nakakalipas,
Damdamin ko'y di parin kumukupas,
Pagkat umaasa pa rin akong darating ka bukas,
Sa mundo tayo'y panandaliang tumakas.Akala ko lang pala,
Akala ko kasi tayong dalawa'y tinadhana.
Pag-agos ng luha ay 'di ko alintana.
Patuloy pa rin akong kakapit sa salitang "sana."Kahit isigaw ko ang salitang "mahal kita",
Dahil mundo mo'y iba na, 'di mo na maririnig pa.
Kahit nakatago sa mga ngiti na abot sa mga mata,
Gaano man kalakas ang tawa, sa likod ay may luha.Mahal, pagkat palalayain na kita.
Ika'y aking hahagkan at yayakapin na,
Dahil alam kong sa pagmulat ay wala ka na.
Aking sinta, paalam na.(Read it also in reverse.)
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoetryA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)