Bakit ka ganyan?
Tinatanggalan mo s'ya ng kalayaan.
Ginagamit mo ang iyong kagandahan,
At muling magtatapos sa pinili mo s'yang bitawan.Magsisimula kang gigil,
Bigla kang magpipigil.
Relasyong nabuo ay biglang ititigil,
At kanyang puso ay masisiil.Laging pumipili ng maling tao 'pag magmamahal,
Kaya nga sa'yo ay walang tumatagal,
Tapos ngayon ay magrereklamo na puso mo'y pagal.
Ngayon ay ramdam mo ang takbo ng oras ay mabagal.Naisip mo na ba kung bakit ka nagbago?
Nahanap mo na ba kung bakit s'ya nagloko?
Tinanggap mo na ba ang totoo?
Ang totoo ay isa kang matalinong bobo.Kaya nga nang si kupido'y pumana,
Tila 'di mo na alintana,
Hindi ka na nasasabik sa laro ng tadhana.
Marahil nga ay hindi ka pa handa.Dahil sa'yo, muli akong nakasakit.
Dahil sa alaala mong sa puso ay nakaukit,
Sa isip ko'y nakadikit at ikaw ang nakikita sa pagpikit.
Tuloy ngayon, pagmamahal sa kanya ko ipinagkait.Ako'y nalulunod at ngayo'y nakaluhod,
Hindi ako makagalaw at para akong tuod,
Habang kayo ay masaya ay patago akong nanonood.
Pinili mo s'yang iligtas at hinayaan mo akong malunod.Gusto kong sa kanya ay magmakaawa,
Pero wala akong magawa.
Tinatago ko nalamang ang luha,
Sa dahilang mas madaling ipakita na ako'y masaya.Mahal, bakit mo ako sinisira?
Ilang beses ba kong luluha para iyong makita?
Mula nang ika'y mawala, wala na akong tamang ginawa.
Ang sakit na parang hindi mo ako nakilala.Tinuring mo akong hanngin,
Kahit gano'n sigaw ng puso a ikaw parin.
Pero ngayon ika'y nais kong limutin,
Baka panahon na upang iba na ang mahalin.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
Thơ caA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)