Unang Pagkikita

5 1 0
                                    

Sa practice ng chorale tayo unang nagkita,
Dito unang nagtagpo ang ating mga mata,
Sabay tayong bumuo ng masasayang alaala,
Na sa tuwing aking naaalala ay 'di ko mapigil ang tawa.

Nagsimula tayo sa simpleng ngitian,
Hanggang sa nagkayayaan magbisikleta kinabukasan,
Hanggang sa hindi ko na namalayan,
Ako pala ay unti-unting nahuhulog sa iyong kabaitan.

Isang beses, aking napansin ang sarili na nakatitig,
'Di alintana ang kung ano man sa paligid na naririnig,
Nagulat ako nang ika'y lumapit, nanghingi ka ng tubig,
'Di ko alam kung bakit biglaang pulso'y bumilis sa pagpintig.

Alam kong masyadong mabilis,
Miski ako'y 'di 'ko alam kung tayo ba ay paris,
Ngunit 'pag may ibang lumalapit 'di 'ko mapigilang mainis.
Mapansin ang damdamin ang tanging nais.

Hindi ko malimutan, unang pagsandal.
Mahalin ka'y sa atin ay tinuturing na ilegal.
Tila ba hindi normal,
Ngunit ayos lang, pagkat ika'y aking mahal.

Ako'y maghihintay, gaano man katagal,
Proseso man ay mabagal,
Ang mahalaga'y maghilom ang pusong pagal,
Sa'yo ako natuto ng tamang asal.

Siguro nga mga rason ay mababaw,
Kung bakit nagustuhan ay ikaw,
Lulunasan natin ang ating pusong sa pagmamahalay nauuhaw,
Nakakatuwang isiping, 'di mo alintana kahit ako'y matakaw.

Ikaw ang pumutol sa aking sungay,
Mundo ko ay nilagyan mo ng kulay,
Kung akin ka lang, ayaw ng humiwalay,
Sinong magaakalang pag-ibig nati'y musika ang magiging tulay?

Ang tanging alam ko lang, masaya akong ika'y nakilala.
Ikaw na kaya ang dalangin kay bathala?
Pag-ibig ko'y ilalathala,
Liwanag sa buhay ko'y ikaw ang nagdala, buhat no'ng una nating pagkikita.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now