Ako, 'yong halos ipagsigawan mo sa mundo.
Ako, 'yong nagpakilala sa'yo sa buong angkan ko.
Tapos sa likod pala, patago kang nagloko.
Ngayong maayos na, bigla mo namang ginago.Bakit pinili mo s'ya?
Hindi ba sabi mo'y higit ako sa kanya?
Hindi ba tayo ay masaya?
Bakit ngayon ay mag-isa at lumuluha?Bakit tayo napagod?
Kailangan ko pa bang lumuhod?
Bugbog na ang aking isip,
Dibdib ay patuloy sa pagsikip.Dapat ba na manahimik?
Pag-ibig mo'y tuso,
Bibig ang umiral at 'di ang puso.
Damdamin ay inabuso.Ngayon kaso nati'y isasarado.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PuisiA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)