Magpapaalam na, matatapos na.
Salamat sa masasaya nating alaala.
Salamat sa pagmamahal na iyong ipinakita.
Ako'y lilisan pero muli tayong magkikita.Salamat, sa mga ngiti na ipininta mo sa labi.
Salamat, din sa mga patagong paghikbi.
Salamat, sa mainit at malamig na gabi.
Salamat, dahil nanatili ka sa aking tabi.Nilagyan mo ng kulay ang mundo.
Kahit malungkot, 'di tayo sumuko.
Patuloy mong pinakita sa akin na "kaya ko".
Kaya kong maging "better" kahit mag-isa ako.Malapit na pala ang pasukan,
Sana 'di mo 'ko kalimutan,
Malapit ka nang lumisan,
Sana sa huling pagkakataon ay pagbigyan.Sa mga nalalabing araw, ika'y aking yayakapin.
Sa mga paglisan, alaalang masaya ang isipin.
'Di na muling magpapaalipin,
Sa bawat pagtangis ika'y sasagipin.Langit man ay lumuha,
Pagpatak ng ulan ay 'di man tumila,
'Wag kang mag-alala 'di ako mawawala.
Dito lang ako, mamahalin pa rin kita.Sana sa pagsikat ng araw,
Mapansin ang damdaming namamanglaw.
Alam kong ika'y lagi kong matatanaw.
Alaala mo'y 'di papanaw. Hanggang sa muli, aking paboritong tag-araw.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
ŞiirA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)