Kabanata 1

1.8K 50 8
                                    

Kabanata 1

Mataas ang sikat ng araw ngayong araw, Nasa bahay lang ako nanunood ng Tv sa sala hindi pinayagan ni Mommy na umalis dahil baka mainitan daw ako. Nakakainis.

She is over protective, Kaya home schooled ako nung elementary, Kung hindi lang siya kinausap ni Daddy ay baka home schooled pa rin ako ngayong High School.

Dumating ang kasambahay na may dalang miryenda na para sa akin. I mouthed 'Thank you' before she leave.

Nasa kalagitnaan ako ng pinanunood kong Midnight Sun nang biglang may mga kumalabog na pinto ng sasakyan sinyales na may mga dumating!

Lumabas ako upang malaman kung sino ang mga dumating.. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga iyon!

"Mga Juys!" tawag ko sabay tawa at yakap na rin sa mga pinsan kong siraulo

"Hey baby girl! We missed you!" Cameron hugged me tight ganoon din sina Klaus, Tyler at Rovan.

Papapasukin ko na sana sila sa loob ng bahay ng mahagip ng tingin ko ang kasama nila.

Nakatayo siya malapit sa SUV, Black pants, Black boots and white v-neck shirt ang suot niya at nakapamulsa pa!

Alam kong matatangkad ang mga pinsan ko, Pero mas matangkad yata ang isang ito.

Nagkatinginan kami... Bigla akong kinabahan dahil sa titig niya, Nangatog din ang mga paa ko!

"Oh! By the way, Meet Zael bago naming barkada." Klaus introduced him

"H-Hi! I'm Calli." naglahad ako ng kamay na tinaggap naman niya

Ni hindi man siya ngumingiti! Suplado! Napasimangot ako nang lagpasan niya ako para pumasok sa loob ng bahay.

I sighed

Sumunod na rin ako kalaunan sakanila sa loob. Nadatnan ko namang nagluluto ng pasta si Tyler, Sakanilang apat paborito niyang niluluto ang pasta... Kaya may tiwala akong masarap ito!

Sa counter sila nakaupo habang pinapanood si Tyler na nagluluto. I simply look at Zael... He is so manly para siyang nasa photo shoot kahit nakaupo lang naman siya!

"Kamusta ang date niyo ni Conie?" tawa ni Klaus

Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. Hanggang sa nalaman ko kung sino nang sumagot siya.

"Nawalan ako ng gana sakanya, so childish." he chuckled

Nagulat ako doon... Ang ibig sabihin ba 'nun ay ayaw niya sa mga isip bata? Is he mature anyway?

"Woah!" hiyawan ng mga pinsan ko

I rolled my eyes at saktong pagbalik ng mga mata ko ay nakatingin sa akin si Zael. Nakataas ang isang kilay at naka ngisi tila naghahamon.

Magsasalita na sana siya nang biglang ilapag ni Tyler ang niluto niyang pasta sa harap namin kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sana dapat!

Tinapik ako ni Rovan at inabot sa akin ang pinggan na may lamang pasta...

"Thanks.." sagot ko at tinikman ang luto ni Tyler

It tastes good as always! Napangiti ako.

"How was it?" nakangiting tanong ni Tyler

"Hmmsaraaap!"

"Tangina bro ang sarap talaga!"

"Gago! Mas masarap spaghetti ko diyan!" maktol ni Cameron

Natawa ako sa reaksiyon niya! Parang batang naagawan ng kendi! I accidentally look at Zael, nakangiti na siya!!

Ngingiti din pala choosy pa! Napailing ako, Akala ko babae lang mga pabebe. Pati na rin pala mga lalaki! Ha!

"Next time si Zael ang magluluto..."

Hindi ko na nasusundan ang pinag uusapan nila dahil sa mga iniisip, Narinig ko nalang na pinipilit nilang magluto si Zael.

Hmm. Hindi naman siya mukhang marunong magluto. Baka gulo lang ang alam niya. Natawa ako bigla sa naisip ko kaya napatingin sila sa akin.

Umiling nalang ako bilang sagot.

Ako na lang mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan namin habang nanunood sila sa sala. Nang matapos ay sumunod na rin ako sakanila at nanuod.

Nasa gitna ako nina Klaus at Rovan, Nasa gitna naman nina Cameron at Tyler si Zael kaya bale magkaharap kami...

"Hindi naman sila magkakatuluyan..." siniko ko si Klaus

"Huwag ka ngang man spoil!" inirapan ko siya

He chuckled sexily at sumandal sa balikat ko.

"Mamamatay 'yung lalaki at makakahanap ng iba ang babae." kinurot ko siya sa tiyan kaya natawa siya

"Ow!" inda niya

"Don't mess with, Calli!" humagalpak si Cameron

"Shut up!" binato ko ang throw pillow na hawak ko sakanya pero nasalo niya! Kainis...

"Tama na, Iiyak na siya." nakisali na din si Rovan

"Iyak!" si Tyler

"Ayan na naman kayo a!" nangigigil kong sabi

Nagsihagalpakan sila dahil sa wakas ay nainis na ako!

"Tama na guys..." tawa ni Klaus at inakbayan ako

I rolled my eyes at him at bumaling na sa pinanunood. Hindi ko sila inimik

"Hey..." Klaus whispered "I'm sorry." alam niyang naiinis na ako kaya humihingi na siya ng tawad, dapat lang!

Natapos ang pinanunood namin ng walang ingay na sumunod. Naglinis naman sila ng mga pinagkainan nila kaya umalis muna ako at pumunta ng garden...

Napasimangot ako nang makita ang mga sunflower na nalalanat! Nakakalungkot dahil ilang buwan ko silang inalagaan tapos mamamatay na lang ng basta basta!

"Ganoon ba kayo ka close ng mga pinsan mo?"

Halos mapatalon ako nang may nagsalita sa likod ko!

"Z-Zael!"

Halos manlaki ang mga mata ko ng makita siya sa harap ko! Anong ginagawa niya dito!?

Chill lang siya umupo sa bench na malapit sa kanya at tinitigan ako.

"Answer my goddamn question." walang gana niyang tanong

Kumunot ang noo ko "O-Of course we're all close." giit ko

Tumango siya pero mukhang 'di pa rin siya kumbinsido.

"Ano bang gusto mong marinig?" kumalabog ang puso ko

"Nothing." ngisi niya at nabaling ang tingin niya sa nalalantang sunflower.

"Hindi mo naalagaang mabuti?" tanong niya

Napatingin din ako sa mga sunflower na nalalanat na...

"Maaayos din sila..." wala sa sarili kong sagot

"Paano?" he chuckled a bit

Lumingon ako sakaniya na nakaupo pa rin sa bench... May kung ano sa mga mata niya na kapag tinitigan mo ay mapapako ang mga mata mo doon ng tuluyan.

"Bayaan mo na... Iba nalang ang aalagaan ko." I said

Humagalpak siya ng tawa kaya bumaling ako sa kawalan, Nag init din ang pisnge ko dahil na rin siguro sa kahihiyang natamo, Anong nakakatawa doon?

Nakakatawa bang makitang nalalanta ang sunflower?!

"Maybe you do not know how to take care of it? Paano mo nalang ako aalagaan kung sunflower pa lang 'di mo na maalagaan ng maayos?"

Kumalabog ang puso dahil sa sinabi niya... Pafall ata ang isang 'to!

[Hi. Please don't forget to Vote!]

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon