Kabanata 15

656 20 0
                                    

Kabanata 15

Dahil sa nangyari kaninang away sa hallway ipinatawag sa office sina Zael at Gino. Gusto ko 'ring pumunta para maliwanagan na ang lahat kaya lang ay pinigilan ako ni Klaus.

Marami at magulo ang takbo ng isip ko ngayon pagkatapos ng nangyari kanina, hanggang ngayon ay bakas pa'rin sa aking isip ang buong detalye ng away. Zael's fierce eyes got my legs trembled!

Nalaman na 'rin ni Reece ang nangyari sa kaniyang pinsan kaya naroon na siya sa labas ng office at naghihintay.

"Naks naman! Pinag-aawayan ka na ngayon, ha?" panunukso ni Nella sa akin sa araw na iyon

Hindi ko s'ya pinansin at nakatulala lang ako rito sa gym at nakaupo sa mga bleachers kasama siya. May iilang naglalaro ng basketball... Zael's teammates.

"Hindi naman maganda iyon... ang pag-awayan ako. A-Ayokong masangkot sa mga ganoon." paliwanag ko

"Hello? Nasangkot kana kaya!" maarte niyang sabi sabay hawi sa buhok niya patalikod

"Si Charlotte siya talaga ang pinag-aawayan nila Nella. Nagkataon lang na..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil fuck paano ko ieexplain?

"Nagkataon lang na ano?" kumunot ang kaniyang noo

"Never mind it." palusot ko

Humalakhak naman siya pagkatapos kong sabihin iyon, nababaliw na ata s'ya!

"Nga pala sa baguio dapat kami magc-christmas this year, nga lang I insisted to just stay in our house." sabi ko

Kinausap ako nina Mommy about 'dun, but I insisted na sa bahay nalang dahil siguradong mas masaya iyon! Noong una ay hindi sila pumayag ni Dad dahil ito 'daw ang kauna-unahang pasko namin na hindi magbabakasyon sa ibang lugar.

Pumayag 'din naman sila kalaunan pagkatapos ng ilang pamimilit sa kanila.

"Oh, mabuti nalang at pumayag sina Tita?" tanong niya

"S'yempre papayag ang mga iyon." giit ko

"How about your cousins?" kinikilig niyang tanong

"I don't know, but Klaus told me na magpa-pangasinan 'daw sila." tumikhim ako

"Ibig sabihin ba 'nun kasama si Tyler?" malungkot niyang tanong

Bigla kong naalala si Tyler! Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa 'rin kilala iyong girlfriend niya. Ni hindi na kami nag-usap tungkol doon kaya hindi ko na siya natatanong.

Pero may kasa-kasama siya ngayon, si Porter Orozco he's a half American, kulay dilaw ang kaniyang buhok halatang may lahing banyaga ito, ang kaniyang mga mata ay kulay asul na may pagka-itim, maputi at matangkad. In short gwapo.

He's popular in their batch, at marami nang napaiyak na mga babae. Suplado 'rin!

Hindi ko alam kung paano niya naging kaibigan ang lalaking iyon! He's a bad boy! Baka isama niya pa sa mga katarantaduhan ang pinsan ko kung nagkataon!

"Oo. S'yempre." sagot ko kay Nella

Bigla siyang natigilan sa kung ano, sinundan ko ng tingin kung ano ang tinitingnan niya. There, I saw Tyler and that boy named Porter! Masaya sila sa kung ano habang naglalakad paakyat ng bench sa tapat lang namin, para siguro manood ng practice game. Hindi nila kami nakikita dahil busy sila sa kanilang kwentuhan.

May itinuro 'yong si Porter sa aking pinsan, tumawa naman si Tyler pagkatapos makita ang pinapakita ng kaniyang kasama.

"Sa tingin mo ba matagal na silang magkaibigan?" Nella asked me

Pinanood ko kung paano ka-seryoso si Tyler sa pakikinig sa sinasabi nung Porter bago sumagot sa katanunga ni Nella

"I don't think so, pero hindi naman transferee iyang si Porter maybe they know each other since then." sagot ko naman

Pero never bumisita sa bahay si Porter! Hindi ko alam, siguro ay sa bahay lang nina Tyler siya pumupunta. Sa bagay ang mga pumupunta lang sa bahay ay ang mga mutual friends namin, hindi ko naman close si Porter kaya siguro 'di siya pumupunta.

But speaking, I'm not friends with Zael. Nagkataon lang na naisama siya sa bahay 'nun dahil papunta naman talaga ang mga pinsan ko doon kaya... isinama na siguro siya.

Back to Tyler. Nag-uusap pa 'rin sila hanggang ngayon.

"Lapitan kaya natin sila?" wala sa sariling sambit ni Nella

"Tsk, don't you know the word privacy, huh?" umirap ako

"I'm just curious on what they're talking about." depensa niya

"Makontento ka nalang na nakikita natin sila." paliwanag ko sakanya

"Fine, then!"

Dumarami na ang mga estudyanteng nanonood ng practice game dahil siguro ay vacant na nila. Madalas ay ang mga senior high school ang mga tumatambay rito sa gymnasium o kaya naman ay para mag-practice. At ganoon nga ang nangyari, naghati ng pwesto ang varsity players at ang mga senior high na magpa-practice kasama ang kanilang subject teacher.

Nakita ko pa si Cameron sa grupong iyon! Binitiwan niya ang kaniyang bag at dumiretso sa kung nasaan sina Tyler at Porter. Masaya siyang nakipag high-five sa dalawa bago naupo at sumali sa kwentuhan.

Palakaibigan itong si Cameron kaya hindi na kagulat-gulat kung kaibigan niya itong si Porter! Hindi pa naman nagsisimula ang mga kaklase ni Cameron, mukhang inaayos pa ang kanilang speaker na gagamitin sa kanilang practice.

"Mabuti pa umalis na tayo." anyaya ko sa aking kaibigan at tumayo na

Hindi na 'rin naman siya nagreklamo at tumayo na 'rin siya. Tahimik kami habang palabas ng gymnasium hanggang sa hallway kung saan papunta sa classroom namin at sa office kung saan ipinatawag sina Zael at Gino.

"Kumusta naman kaya ang dalawang nag-away?" isinantinig ni Nella ang nasa isipan ko

"Hindi ko alam, pero sana mag-kaayos na sila..." sambit ko

"Oo nga naman. Mahirap naman talaga kase iyong magkaaway sila dahil sa 'yo" halakhak niya

"Nella!" suway ko nang nakakunot ang noo

Tumawa lang siya habang umiiling-iling. Palapit na kami sa office nang biglang lumabas galing doon sina Reece... at Zael.

Kitang-kita ko ang poker face ni Zael. His dark eyes bore into me! Ano nanaman ang ginawa ko?!

Habang si Reece naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin.

"Ha-Halika na." nauutal kong sabi kay Nella

Mabilisan kaming umalis sa harapan nila at natigilan nang magsalita si Zael.

"Are you happy now?" he said coldly

Nanginig ang mga tuhod ko dahil ramdam ko sa boses niya ang matinding galit... kung ganoon para saan? Saan siya nagagalit? galit ba siya dahil ipinatawag siya ng Principal? Tangina siya ang may kasalanan 'nun!

"Why would I?" mariin kong sabi kahit na nanginginig ako sa galit "Sabi mo nga kanina your not my slave isn't it?"

Humalakhak siya, dahilan para mairita ako! Fucking asshole!



{Please don't forget to vote and comment! Pardon my typos & grammatical errors. Super late update! ahh!}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon