Kabanata 36

606 19 0
                                    

Kabanata 36

Kinausap ng may-ari nitong club si Reece at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik. Kanina pa ako umiiyak at nakatulala dahil sa nangyari, though I'm still tipsy I was able to remimisce what happened just a while ago.

Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at nakapagdesisyong umuwi na.

Halos makisingit ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor anong oras na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawas ang mga tao rito sa club, at halos sila'y lasing na! 

Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay makaalis ako sa masikip na daanan na iyon!

I parked my car near the entrance of this club. Bigla kong naalala si Zael, paano niya nalaman na narito ako?

Did he find me?

My heart hurt at the thought of after that quick fight with him in his office... he searched for me.

But... he just found me in someone's arms! How guilty I was sa nagawa kong kasalanan sa kaniya.

Wala akong nagawa kung 'di ang umiyak nang umiyak habang minamaneho ang aking sasakyan, wala akong ibang maramdaman ngayon kung 'di bigat ng loob at sakit dahil sa nangyari.

I love him I really do! At hindi ko sinasadyang makihalikan sa kaniyang pinsan! Call me sluts or whatsoever pero pinagsisisihan ko ang ginawa ko... at hindi ko ginusto ang nangyari dahil lasing na ako! 

I never try to call Zael, ayokong magkaroon pa lalo ng lamat ang relasyon namin... ayoko siyang sabayan sa galit niya, lalo na ngayong malabo kami.

Malabo...

Mas lalo lang akong naiyak sa naisip! Maari niyang tapusin ang relasyon namin ngayong gabi!

Am I ready for that tho?

Sa ilan taong pagsasama namin hindi ko naisip at inaasahang na ako pa ang magloloko!

"Damn it, self!!" sigaw ko sabay hampas sa manibela

It was a quick mistake alright? Pero sigurado ako na mananatili sa kaisipan ni Zael iyon!

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, I was so torn and brokenhearted kaya mas lalo ko lang pinabilis ang patakbo ko sa aking sasakyan never minding if I will break some rules.

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang tumawid! I saw the traffic lights and it was green, ginawa ko ang lahat maka-preno lang kaagad pero kitang-kita ng dalawa kong namumungay na mata kung paano tumilapon ang babae dahil sa pagbangga nito sa aking sasakyan!

I was so shocked and wasn't able to move at first, pero nang makabawi ay lumabas agad ako ng aking sasakyan. Ang mga sasakyan ay napahinto rin dahil sa aksidenteng nangyari!

Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita kung sino ang nakahiga sa daan at duguan!

"Z-Zalestra!" sigaw ko habang umiiyak "I-I'm sorry, I'm sorry... please... please, call the ambulance please!" nanginginig kong sigaw at dinaluhan siya habang umiiyak

"Miss, Miss lumayo ka muna."

May lumapit na mga pulis sa akin at pinalayo ako kay Zalestra. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang marahas pa ring tumutulo ang mga luha pababa sa aking pisngi

"S-Sir ako po ang nakabunggo..." giit ko

"Sumama ka po sa'min sa prisinto." anito

"Pe-Pero paano s-siya." turo ko kay Zalestra na hanggang ngayon ay nakahandusay pa rin sa daan at walang malay

"Padating na— ayan na ho pala." anito

Halos hindi ako makahinga nang makita siyang walang malay habang binubuhat papunta sa stretcher.

Mas lalo lang gumuho ang mundo ko nang malaman ni Zael ang nangyari at nagalit nang malaman kung sino ang nakabunggo sa kaniyang kapatid.

Patung-patong na ang kasalanan ko sa kaniya like damn it!!

"Kung ganoon ba't hindi mo ako ipakulong nang mapagbayaran ko ang kasalanan ko!" sigaw ko sa kaniya

Nanlisik ang kaniyang mga mata nang sabihin ko iyon.

"Sana nga ganoon lang kadali ang ipakulong ka... Calliope, pero hindi e..." aniya

"Bakit..." walang emosyon kong tanong

Nag-iwas siya ng tingin sa akin, hindi ko tuloy mabasa kung ano ang nasa isipan niya ngayon.

"Tell me, E-El... mahal mo pa rin ba ako?" matapang kong tanong

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sinabing...

"My heart is honestly still beating up for you... Calli. But my brain... I don't know, mukhang taliwas pa rin pala talaga ang dalawa." utas niya

Hindi ako nakasagot at napatitig nalang sa aming sahig. Wala naman akong magagawa kung mas susundin niya ang sinasabi ng isip niya, who am I anyway? tanging ang dala ko lang talaga ay sakit para sa kaniya.

I never brought happiness to anyone coz I always brought pain.

"May mga bagay na tama ang pagdedesisyon mo pero dala nito'y sakit, at meron ding mali ang desisyon mo pero batid nito ay saya..." bulong niya

Hindi ko nakuha kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

"Are you breaking up with me?" tanong ko dahil sa kaba sa kaniyang sinabi

"Yes." mabilis niyang sagot

Napakurap ako at lumandas ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Yes, I expected this one to come. Pero ang sakit pala sa realidad... ang masampal ng katotohanan.

"Kung masakit para sa'yo ang mga nangyari puwes mas wala ng sasakit pa kaysa sa nararamdaman ko!" sigaw ko

Napangisi siya, "Alin sa mga iyon ang pinaka nasaktan ka, Calliope?" panunuya niya

Naitikom ko ang bibig ko.

"You're so selfish, tanging ang sarili mo lang ang naisip mo hindi ba?"

"Hindi iyan totoo!" I screamed

"Mahirap talagang tanggapin ang katotohanan. Nga pala nasaan na iyong ugok na ipinagpalit mo sa akin? Asan siya at ng maipagtanggol ka niya sa akin?!" hamon niya

"How dare you!" isang sampal ang ibinigay ko sa kaniya

"Iyan... Iyan ang dahilan kung bakit lumalayo ako sa'yo Zael! Unti-unti ng nababalot ng galit at poot iyang pagkatao mo!" singhal ko

"Can't you understand me? At bakit pa kailangan humantong sa ganoon?"

"Ilang pagpapasensya na ang ginawa ko Zael. I'm sorry kung hindi mo nakita iyon noon." giit ko

His jaw clenched and looked away.

"You can't blame someone for walking away if you didn't do anything to make them stay." bulong ko

"Alright then if you wanna end this relationship, wala na akong magagawa because that's your decesions." matapang kong sabi kahit na kanina pa ako wasak na wasak!

God knows how much I love him and I cannot even lose him right this way. Pilit ko mang ipaglaban ang pagmamahal ko  pero kung ayaw niyang gawin ko iyon... siguro ay tama na nga talaga.

Let's just accept na hanggang dito nalang.

{Please do not forget to vote! Pardon my grammatical errors and typos.}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon