Kabanata 32

517 13 0
                                    

Kabanata 32

Hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin, sa dami ba namang lugar at laki nitong Maynila ay hindi mo na alam kung saan mo siya unang hahanapin!

Maaga akong sinundo ni Zael sa bahay. Wala akong sinabihan kahit isa sa amin na hahanapin ko si Tyler. Wala akong balak na pakialaman kung ano ang plano, basta ang gusto ko lang ay makausap siya ng masinsinan.

Black jeans, black sleeveless shirt, jacket at rubber shoes ang suot ko ngayon. Naka-leave muna ako sa trabaho kaya magagawa kong hanapin si Tyler.

Tiningnan ako ni Zael mula ulo hanggang paa, "Palusot mo ba ang magj-jogging ka?" biro niya

Inirapan ko siya  "Well, Good morning!" panunuya ko

"Mornin'!" he said and kissed my cheeks

Ako naman ang sumuri sa damit niya ngayon, naka jogger pants lang siya at white t-shirt na damit.

Kumunot ang noo ko "Ba't ganiyan ang porma mo? Sa tingin mo nasa bahay ka lang?" tawa ko

He chuckled "Let's say hindi na natin kailangang maghanap.'' aniya

Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya. Tiningnan ko siya ngayon na abot tenga ang kaniyang ngisi.

"What do you mean?" tanong ko

"Kiss muna..." panunuya niya

"Hay nako, ewan ko sa'yo no!" iniwan ko na siya at pumasok na ako sa front seat

"Ang sungit naman!" aniya at sumakay na rin sa driver's seat

"Ano ba kasi iyon?"

"Nahanap ko na kung saang naka-stay ngayon si Tyler." simple niyang sabi

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Ho-How..." hindi ako makahanap ng salitang maisasagot sa kaniya

He chuckled "Do you remember my condo unit in Pasay?" tanong niya

"The one you brought for Zalestra...?"

"Uh-hmm."

"What about it?" tanong ko naman

"Well, dinaanan ko siya kagabi pagkahatid ko sa'yo... and guess what I saw Tyler there!" anito

"Ha? Pero... Pero wala siyang condo unit sa Pasay!" giit ko

"Yeah, at ang condo unit ay nakapangalan sa Papa niya. Pascual Orozco." anito

"Hmm. Bilib na talaga ako sa'yo, tinalo mo pa private investigator ni Tito!" tawa ko

He chuckled too.

Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng kamay. Hindi ko alam pero iniisip ko na ibang Tyler ang makakausap ko. He's not the Tyler I used to talk with, anymore.

"Kinakabahan ako, El." pag-amin ko

"Bakit naman? He is still your cousin!" halakhak ni Zael

May bigla akong naisip. "Ikaw, El. What if may kapatid kang lalaki... then suddenly umamin na bading siya, would you accepth him?"

"Yeah. I'll accept him, tao parin naman siya nun!" tawa niya

Natawa ako, "Madali lang sabihin iyan dahil wala ka naman talagang kapatid na bakla." utas ko

"But I have a guy cousins... gaya ni Reece," wika niya

"Malabo namang magiging bakla iyon." saad ko

"Bakit? Naging malabo rin namang magiging bakla si Tyler, ah? Ilan taon nating inakala na lalaking lalaki siya." paliwanag niya

Oo nga naman, hindi pa rin talaga natin masasabi ang isang bagay.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon