Kabanata 3

1K 34 0
                                    

Kabanata 3

Umayos ako ng tayo nang makita ko si Zael sa pintuan na malamig ang tingin sa aming dalawa ni Reece, Parang wala lang kay Reece ang nangyari dahil huminto lang siya ng saglit para ayusin ang mop at humarap sa kay Zael.

Wala akong magawa kung 'di ang umiwas ng tigin kay Zael, hindi ko alam kung dahil nahihiya ba ako o ano.

"I'm so sorry to interrupt what's happening between you two, but can I talk to you?"

Kumalabog ang puso ko sa kadahilanang ako ang tinutukoy niya, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang kay Reece siya nakatingin at hindi sa akin.

Nag-init bigla ang pisnge ko dahil umasa ko sa isip-isip ko!

"Pumasok ka na, mag-uusap lang kami saglit." saad ni Reece

Wala sa sarili akong napatango sa sinabi niya, Zael looks at me closely. He intimidate me always!

Dahan-dahan akong naglakad paalis sa harapan niya, never looking back who's behind.

Wala nang tao sa room, siguro ay nag-lunch na. Kinuha ko nalang ang bag ko at hinanap si Nella. Nahanap ko naman siya sa mini forest kung saan nakaupo siya at naka-headset, siguro ay hinihintay ako.

"Hay! Nakakapagod!" I exhaled

"Oh? Napano ka?" inalis na niya ang kaniyang headset at inayos ang kaniyang mga libro, ready to go na

"Pinag-linis lang naman ako ng comfort room ni Mrs. Alduza," I complain

She chuckles a bit "Hindi naman yun basta-basta nagpapalinis, unless nagdaldal ka." binaba niya ang mga librong hawak at nilingon ako

Hindi ako kaagad nakapag-salita at tiningnan ang mga kapuwa estudyante na naglalakad sa hallway.

Sa dami ng mga estudyante na naglalakad papunta at palabas ng school ay nahagip ng mga mata ko ang barkada at ka-team mates ni Zael. I saw him in the middle of his group, nagtatawanan sila kasama si Reece na ganoon din.

His sharp eyes flashed in my memory, hindi ko alam kung ganoon ba talaga lagi si Zael but based on what I saw today, nakangiti naman siya at hindi busangot ang mukha.

Inaamin kong naiintimidate ako sakanya, who wouldn't? sa itsura palang niya talaga namang mangangatog ang mga binti mo!

Well, nevermind what I've said.

"Lika na!"

Nauna akong tumayo sa kaniya at naglakad kaya bahagya niyang binilisan ang paglalakad niya para mahabol ako

"Ano ba iyan, kinakausap pa kita e!" reklamo niya

Pumunta na kami sa Cafeteria at naupo ako. Sinundan ko ng tingin si Nella na papalapit sa counter para makapag-order na ng aming makakain.

Pumangalumbaba ako habang hihintay siyang bumalik.

"Hi!" Tyler greeted at umupo sa tabi ko

"Oh, Hi!" I smiles as he sitted besides me

Rice, Chicken, and orange juice ang lunch niya. Bahagya tuloy akong nainggit dahil buti pa siya ay kumakain na.

Tiningnan ko naman si Janella na ngayon ay nakapila pa rin.

I sighed

"Ba't di mo kasama sina Klaus?" I asked him

"Nasa mga chicks nila." maikli niyang tugon at napailing

I smiles a bit, Tyler is not fond much with girls. Wala pa akong nakilalang dini-date niya o naging girlfriend niya o dahil baka hinihintay niya ang babaeng talagang para sakaniya?

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon