Kabanata 17

603 19 1
                                    

Kabanata 17

Si Klaus ang nabunot ko nung isang araw, I just bought him a headphone and perfume na paborito niya. Kasabay ng pag-iisip ng kung ano ang ibibigay ko sa kaniya ay ang kung sino nga ba ang nakabunot sa akin? Is it Klaus? Tyler? Mommy or Daddy? Hindi ko alam.

Marami ding pagkaing inihanda kaya talaga namang busog na busog ako sa araw ng pasko.

Nasa veranda ako ngayon at nagpapahinga, medyo malalim na rin ang gabi at nakatingin sa ibaba kung saan nagkakatuwaan sila.

Mukhang nagr-ready na sila para sa exchange gift ah? I even saw Klaus inspecting all the gifts!

Hindi makapag-hintay ang isang iyon!

"Calli, hija... bumaba ka na at magsisimula na tayo para sa exchange gifts." marahang sambit ni Mommy sa akin

Pinuntahan pala niya ako rito siguro'y nakita niyang may malalim akong iniisip.

"Yes, Mom I will po. I'll just need a minute." I said

"Is there a problem, anak?" My mom's soft voice made me wanna cry

Madalas silang busy ni Dad sa kumpanya pero hindi sila nagkukulangan ng oras sa akin. They'll spend their time on me dahil nag-iisa lang naman ako, ang hirap naman ata nung ako nalang ang tanging anak tapos wala pa silang oras para sa akin hindi ba?

I look at my mom, at bahagyang napangiti sabay iling.

"Wala naman po..." giit ko

"Talaga ba? Hmm, I can sense that there's a reason in that huh?" nanliit ang kaniyang mga mata habang nangingiti

"Wala po talaga 'to Mom, believe me." I convince my Mum as I convince myself na wala nga talaga ito

"Kung ganoon halika na sa baba?"

"Alright, Mommy."

Yakap niya ako habang pababa kami galing veranda. Sumalubong ang malamig na hangin sa amin, niyakap ko na rin si Mommy dahil sa lamig!

Nadatnan na namin silang nagpapalitan na ng mga regalo!

Tyler's gift was an electric guitar from his Dad. Ang pagkaka-alam ko ay iyon ang kauna-unahan niyang electric guitar. I can see the happiness in his face! 

"Ikaw naman Calli!" excited na sambit ni Tita Karen sa akin

Ngumiti ako kay Tita at linapitan kung sino ang nabunot ko. Klaus looking at me firmly huli na nang malaman niyang ako ang nakabunot sa kaniya!

"Regalo mo oh? Alisin mo na iyang busangot mong mukha!" tawa ko

Napailing siya at kaagad na binuksan ang wrapper nito. He hugged me when he saw what's inside.

"Thank you." he whispered

"You are welcome, sunget!" I mocked

"How about you Tyler, hijo?"

Kinalas ko ang yakap ko kay Kkaus at hinarap si Tyler. Palapit siya ngayon sa akin at may hawak na paper bag.

Ngumiti siya sa akin at ibinigay ang hawak niya.

"Mamaya mo na buksan." ani niya

The Christmas went good. Nasa terasa kami ngayon at nagkukuwentuhan while the four boys are drinking some liquors.

"Sayang at nasa ibang bansa ngayon sina Geoffrey at Darcy hindi natin sila nakasama ngayong pasko." said Tita Karen 

"Naku, Hayaan mo na't bonding nilang magpapamilya iyon. But they made a promise magkakasama-sama tayo ngayong darating na New Year." si Tito Truman naman ngayon

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon