Kabanata 22

592 19 0
                                    

Kabanata 22

Ilang araw lang ang pahinga ko pagkatapos ng New year, I was so tired as hell then. Balik eskuwela nanaman kaya mukha tuloy akong zombie na naglalakad sa hallway.

At ang nakakalungkot pa, hindi pa pumasok si Nella dahil nasa probinsya pa raw ang sabi niya'y sa makalawa pa siya uuwi. Ang ibig sabihin noon ay may isang araw pa akong titiisin!

Pumasok na rin naman ang mga pinsan ko, kung pwede lang sana ay sa grupo nila ako makisama. Nga lang ay puro sila mga lalaki... alam mo na baka kung ano pa isipan ng ibang mga chismosa sa tabi, at isa pa ay kasama nila si Zael!

Mas lalong ayaw kong makisama sakanila kung nandoroon siya 'no! I'd rather eat by myself in the cafeteria alone than being with him!

Pumasok na ako sa classroom nang mag-isa. Hindi na rin ako nagulat nang makita ko si Reece na nakaupo sa pwesto ni Lierra.
"Hi!" he greeted me while smiling

"Hi." bati ko pabalik at nginitian 'din siya

Naalala ko tuloy nung gabing hinatid niya ako sa bahay at naabutan ako ni Dad. It was shocking moments you know.

"How was your vacation?" tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya

"It was very fun!!! You know, nakumpleto kaming magpa-pamilya sa araw ng bagong taon!" masaya kong kwento sa kaniya

"Hmm, that's good huh." tango niya

"Yeah," gusto ko sanang sabihin na bumisita si Porter Orozco kaya lang ay napagtanto kong huwag nalang dahil baka magtampo pa siya dahil hindi ko siya inimbita.

Pero hindi naman ako ang nag-imbita kay Porter ah? It was Tyler who do it!

"How 'bout you?" ako naman ang nagtanong

Napasinghap siya bago sumagot

"Well, gaya ninyo nagtipon-tipon 'din kaming magpapamilya." simple lang niyang sagot

"Ang saya niyo siguro." nakangiti kong sabi

"Uh-huh." aniya "Wait... I have something to show you." wika niya at may kinuha sa kaniyang bulsa

"What is it?"

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa. May pinindot siya sandali at ibinigay sa akin ang cellphone.

It was a video of... Zael! 

Nakangiti siya at umiinom ng alak. "Hi!" he says to the camera

What the fuck, he's so cute!

Itinikom ko ang labi ko sa pagpipigil ng aking ngiti!

Humalakhak siya at nagpa-pogi sa camera, is he drunk? I think he is!

"Ba't mo pinapakita sa'kin ito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa video

"Nakakatawa kasi siya d'yan, he's drunk at wala sa kaniyang sarili!" tawa ni Reece

I suddenly paused the video and looked away.

"Oh sorry, 'di parin pala kayo bati." binawi niya ang cellphone niya

I looked at him. Selos ang naging dahilan kung bakit nagagalit ako kay Zael ngayon, is that a big deal? Wala namang kami ah! But I let myself be mad at him. Natural ay lalaki siya, he wouldn't stay for a proper girl. S'yempre mag-experiment iyan!

Kung sasabihin ko ba kay Reece ang naging dahilan ng pag-aaway namin ni Zael, tatawanan niya ako?

Baka sabihin pa niya, Iyon lang nagkaaway kayo? Ang liit na bagay lang niyan Calli!

Oh fuck! Ayokong marinig ang mga salitang iyon galing sa kaniya!

Naputol ang pag-iisip ko tungkol doon nang makita ko si Lierra na papasok sa aming classroom.

Hinarap ko ang walang muwang na si Reece, "Alis ka na sa puwesto ni Lierra andiyan na siya." bulong ko kay Reece

Pero mukhang hindi niya ata narinig dahil hindi niya ako binalingan!

Nang nasa tapat na, pumeke ng ubo si Lierra para sana'y mapaalis si Reece nga lang ay nag-angat lang ng tingin si Reece sa kaniya.

"Excuse me, get out of my place." wika ni Lierra

"Doon ka na muna sa puwesto ko, Please? Ayaw mo ba noon? Makakatabi mo si Ralfp?" saad ni Reece

Biglang namula 'tong si Lierra, dahil ba sa kahihiyan o kinikilig? Hindi mo naman kasi makakaila na guwapo nga itong si Ralfp. Minsan ay sumasali siya sa mga pageant rito sa school.

Nag-iwas ng tingin sa Lierra at walang nagawa kung 'di ang umupo na nga sa puwesto ni Reece na katabi ni Ralph.

Hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kaniyang mukha! Binalingan ko si Reece na nangingisi ngayon.

"Your so mean!" giit ko

"What?" natatawa niyang tanong "I did it on purpose." nagkibit balikat siya

"Should I say, Thank you then?" I said sarcastically

"If you want to." mayabang niyang saad

Pabiro ko siyang hinampas pagkatapos niyang sabihin iyon!

"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya

"I'm just kidding, alright." he chuckled

Natapos ang araw ng klase na magkasama kaming dalawa ni Reece epekto yata noon ng pagkawala ni Nella. 

He was about to convey me but I refused his offer. Hihiram pa kasi ako ng libro sa may library kaya hindi na ako nagpasama pa sa kaniya.

Dumiretso na ako sa library. Konti lang ang mga tao dahil uwian na rin naman. Pumunta ako sa shelves para hanapin ang librong hihiramin ko.

Lumipat ako sa kabila nang hindi nakita sa isang shelf ang hinahanap.

Tiningnan ko ang cellphone ko para mabasa ulit ang title na kukunin kong book.

Nahanap ko naman kaagad nang lumipat ako sa shelf na iyon, kukunin ko na sana nang may humawak rin sa book na nasa kabilang side ng shelf, kumunot ang noo ko at sinilip kung sino iyon...

I startled when I saw Zael's piercing eyes, nagulat siya nang makita niyang ako iyon. Nabitawan niya ang book na hawak niya kaya kinuha ko kaagad iyon.

Nagmadali akong makaalis sa shelf na iyon, pero isang kamay ang humigit sa aking braso. Isang masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya!

"Calliope..." kinilabutan ako nang banggitin niya ang buo kong pangalan.

"Ano ba?!" wala na akong pakialam kung mabulabog ko ang mga estudyanteng tahimik na nagbabasa!

Tumingin-tingin siya sa paligid bago niya ako kaladkarin palabas! Ano ba ang nasa isip ng lalaking ito?

"Ihahatid na kita sa inyo." ani niya

"Tangina, nababaliw ka na ba ha? Pagkatapos mo akong kaladkarin palabas sasabihin mong ihahatid mo ako sa amin?" nangagalaiti kong sigaw sa kaniya

"I-I'm sorry," napayuko siya

Bahagya akong natawa "Sorry saan?"

Nag-angat siya ng tingin

"Sa lahat... I'm really sorry if I let you feel so upset."

Nag-iwas ako ng tingin at kating-kati nang isantinig ang matagal ng nasa isip.

"I-It's okay, ano naman ngayon kung girlfriend mo si Charlotte hindi ba? W-Wala naman akong karapatan." napapikit ako nang sabihin ko ang mga iyon.

The side of his lips rose a bit, "Don't be so jelly coz from now on, you'll have your right to be mad at me..."

Ano raw?

"Let me court you, Calli." bulong niya

{Please don't forget to vote!! Anddd pardon my grammatical errors and typos haha lovelots! xoxo}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon