Kabanata 25

599 14 0
                                    

Kabanata 25

Nakakailang na kasama namin ngayon sa aming lamesa itong si Zael I feel so tensed while talking to him at magkatabi pa kami at kaharap si Nella! Paunti-unting kain lang tuloy ang sitwasyon ko ngayon!

"You looks so good together!" puri ni Nella

I glared at her, at biglang namula sa sinabi ni Nella. Do we really look good together? Maniniwala na sana ako nga lang ay si Janella ang nagsabi, alam mo naman ang babaeng ito gagawin at gagawin ang lahat magkatuluyan lang kami nitong si Zael!

Dahil sa walang masabi sa ngayon at sa kahihiyan ay napayuko nalang ako. Mayayari ito sa akin mamaya!

Zael just chuckled pero ramdam ko ang kaniyang paninitig sa akin,

"Let's not just talk about it, Calli looks so uneasy…" banayad na sabi ni Zael

"Oh?!" kunyare ay gulat pa itong si Nella!

I rolled my eyes at her acting skills, nice try my friend! Itinikom ko ang bibig ko at hindi na nagsalita pa kahit na kating-kati na ang aking bibig sa kagustuhang magsalita!

"Eat more, Calli!" ani Zael nang mapansing 'di ko pa nakakahalati ang pagkain sa aking pinggan

"B-Busog na ako." sagot ko

"May tatlong klase ka pa pagkatapos nito hindi ba? You should eat more." saad niya

Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya, paano niya nalaman ang schedule ko sa araw na ito?

"U-Uh... Paano mo nalaman ang schedule k-ko." halos mabilaukan ako sa sarili kong laway!

"S'yempre kanino pa ba?" parinig ni Nella

"Nella!" suway ko

"What?" natatawa niyang sabi "Okay! Alright! I should go bago mo pa ako mapatay!" aniya at nagpaalam nang umalis sa amin

"I'm sorry." napailing ako sabay sulyap kay Zael

"It's okay." tugon niya

Ngayong wala na si Nella sa aming lamesa para tuloy gusto ko siyang pabalikin rito! I'm not good when it comes to this conversations and it sucks!

Kung mas walang akong masabi kanina, mas lalo na yata ngayon! Bawat estudyanteng nagdaraa'y sa amin ang tingin, I almost roll my eyes when I saw Gino with his friends.

Seryoso siyang nakatingin sa amin. Nag-iwas lang nang may sinabi sa kaniya ang kasama niya.

You know, I am not used to this kind of attention. Hindi na rin ako magtataka kung laman na ako ng chika nila bukas!

"Sana ang mga kaibigan mo nalang ang sinamahan mo, imbis na ako." parang tanga kong saad sa kaniya

Humalakhak siya.

"Isn't suitors do such things?" tanong niya pabalik

"Does what?" naiirita kong tanong

"Gaya nalang nito, nililibre ka ng pagkain..." ngiti niya

"Whatever, I can buy it by my own."
giit ko

Sino ba naman kasi ang nagsabing ibili niya ako, nakapila na nga ang tao kanina e!

"But I won't let you do that." simple niyang sinabi

Wala na akong sinabi pa at binilisan na ang pagkain dahil talagang ako nalang ang hinihintay dahil kanina pa siya tapos kumain! Naging dahilan tuloy iyon para titigan niya ako at kausapin.

"I'm done." sabi ko nang sa wakas ay matapos na't tumayo

"Alright. Ihahatid na kita sa susunod mong klase." aniya at tumayo na rin

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon