Kabanata 12

639 23 0
                                    

Kabanata 12

Friday night, nasa terasa kaming magpi-pinsan at dito nag-uusap, dumiretso sila rito galing school at dito na 'rin sila nag-dinner. Nakaupo ako at pinagma-masdan silang nagtatawanan sa kung ano. Hindi ko matukoy kung ano dahil nasa cellphone iyon ni Cameron habang itinuturo kina Klaus, Rovan at Tyler. Pero sigurado ako na kalokohan iyon dahil tumayo si Tyler at iniwan ang tatlo sa inuupuang couch!

"Uy! Ang KJ!" hagalpak ni Cameron kay Tyler

Tyler sighs and walk away. Sa aming magpi-pinsan masasabi kong si Cameron ang pinaka-siraulo! I mean isa siyang malaking tukso dahil kahit na ayaw mo ang isang bagay nandiyan siya para pilitin ka niya!

Hindi na niya pinansin ang umalis na si Tyler at nagpa-tuloy lang sa pagtawa.

"Ba't 'di niyo ko isali diyan?" maktol ko

"You're not allowed to." si Rovan ang sumagot para sa akin

I rolled my eyes at tumayo para tingnan ang langit na puno ng mga bituin na nagni-ning-ning sa kalangitan. Honestly, maraming bumabagabag sa akin that I tend to ignore them instead. Pero mahirap silang iwasan lalo na't iyon lang ang tanging nakikita mo.

It's been weeks since the last time that I talked to Zael. Mas mabuti na iyon at ng hindi na ako makagulo pa sa buhay niya. Magsama silang dalawa ni Charlotte Kang!

Hindi ko pinangarap ang magulong buhay, dahil gulo mismo ang lumalapit sa akin at kung papatulan ko pa ito malamang ay ayawan na!

Tumigil na 'rin siya sa pangungulit sa akin sa pamamagitan ng pagtawag at pag-text. That's good. Dumating ka sa buhay ko, matuto kang lumayas hindi iyong iistorbohin mo pa ako para lang maihatid ka!

Niyakap ko ang aking sarili dahil lumalamig na ang simoy ng hangin. Huminga ako ng malalim at itinikom ang aking bibig. Ang tanging distraksyon sa aking mga iniisip ay ang aking mga pinsan na hindi na natigil ang pagtawa mag-mula kaninang naupo kami rito!

"Hmm, I think she likes Klaus!" Cameron teased

"I guess." he chuckled

"Oh!" Rovan groaned

At muling nagtawanan. Boys, I can't even understand them! Gusto kong lumapit at usisain sila but no... Hahayaan ko na lang and I am not into it I guess.

Iniwan ko sila sa terasa at pumunta sa sala, napagdiskitahan ko ang mga magazine doon at nagbasa-basa ng kaonti.

"Oh, hija? Where's your cousins?" My mum suddenly showed up behind me

"Ah! Nasa terrace po at nagkakatuwaan." I answered

"Ganoon ba?"

Tinignan niya lang ang mga ito bago dumiretso sa kusina, siguro ay gagawan niya ng miryenda? Well ako nga naisip ko iyon pero hindi ko ginawa dahil panigurado ako mas lalo lang silang matutuwa at lalamon! Swerte naman nila? Bayaan ko nga.

Nag-angat ako ng tingin nang makitang tama nga at ginawan niya ng miryenda! Tumayo ako at sinundan si Mommy.

"Boys, miryenda muna kayo!" Mum called

Napansin ko bigla na wala pa si Tyler! Kanina pa siya umalis hindi ba?

"Klaus... Where is Tyler?" tanong ko at hinayaan silang lumamon dahil nag-aalala ako kay Tyler kung saang lumalop na siya nakarating!

"Hindi pa ba bumabalik? Nagpahangin lang 'yun." he said

I don't think so! Kung maiinitan man ang isang iyon sa kwarto siya pupunta at magi-aircon! Umalis ako at chineck ang mga kwarto pero wala siya!

Kinagat ko ang labi ko at tuluyan nang lumabas at pumunta sa may garden.

"Ty?" tawag ko pero walang sumagot

"Tyler?!" pero wala pa 'rin

Naglakad pa ako ng kaonti, hanggang sa mapunta ako sa medyo liblib na. Sa gilid ito ng aming bakuran kaya masyadong malalaki ang mga halaman, Madalas akong magtago rito noong bata ako dahil ayokong maligo at tinataguan ko si Mommy.

How iconic na ayaw kong maligo noong bata ako, pero ngayon hindi yata ako makakalabas ng bahay nang hindi naliligo.

"We will alright? Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo- promise."

Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang boses niya. Hindi muna ako nagpakita at nakinig kung sino ang kausap niya sa kaniyang telepono.

"I'm afraid..." his voice was husky and deep as he whispered those words.

"I said in time! Hinay-hinay muna tayo, okay?"

Galit ang boses niya, pero bakit may halong lambot at tamis?

"I-I love you..." nabasag ang boses niya

Parang ako tuloy ang nasasaktan sa sitwasyon niya, We're forbidden to love each other kaya heto ako nagtatago sa mga halaman para lang makausap ang aking pinakamamahal sa lahat, nagbubulungan at takot na mahuli ng kahit na sino man!

That kind of man! Pero ang nakakainis lang ay dapat ipaglaban niya ang pag-iibigan nila!!

"Kung mahal mo, ipaglalaban mo." I showed up

Nabitawan niya ang teleponong hawak at tila nakakita nang multo nang makita niya ako!

"Chill! I won't tell anyone na... na may girlfriend ka na!" natatawa kong sabi
Huminga siya ng malalim at napapikit at nag-iwas ng tingin sa akin bago kinuha ang kaniyang cellphone na kaniyang nabitawan kanina.

"Tss, make sure you w-won't tell anyone." he pleased

"But before that, Why... Why are you so afraid?" kunot noo kong tanong sa kaniya

Tinitigan niya akong mabuti, titig na tatagos sa kaluluwa mo. Bigla akong napaisip, gaano ba ka-espesyal ang babae niya at bakit ganiyan siya? I mean konti nalang makakapatay na siya if you tried to cross in his line!

He chuckles. And gaze upon me. Stars, he's looking at the stars!

"Have you experience-well I think not yet." tumigil siya sa pagsasalita habang nakatingin pa rin sa mga bituin

"Experience what?" naguguluhan na ako sa kaniya

"Wherein I am not fit in this society." seryoso niya sambit

"I don't understand you." giit ko

He smiled at me "Iyan ang kinakatakutan ko Calli, ang maaaring hindi ako maintindihan ng mga taong nakapaligid sa akin."

Kumunot ang noo ko "Paano ka maiitindihan kung... ayaw mong magpa-intindi? I mean... masyado kang masikreto!"

"Fuck, Calli! Akala mo ba madaling magsalita ha? Na sa tuwing nasa harapan ko si Papa, napi-pipi ako!"

Nanlaki ang mga mata ko! Ganiyan siya katakot magka-girlfriend? Ang pagkakaalam ko ay hindi.

"Babae lang iyan, Tyler!" I screamed

Tinignan niya ako ng masama, hindi ako natakot dahil mas inuuna ko ang kaguluhan sa aking utak.

"Wala e, Mahal na mahal ko siya." ngumiti siya pero kita ang lungkot sa mga mata niya

Poor Tyler.

{Do not forget to vote!! Please excuse my typos & grammar. This chapter is very special to me, ilang hours ko lang siyang ginawa dahil masyadong marami lang akong naiisip kaya chaaaaaran! nagawa ko siya! Thank you so much sa pagbabasa ng mga story ko kahit na, u know cringey na hahaa lol. thank u so much luv u. }

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon