Kabanata 14

608 19 0
                                    

Kabanata 14

"Why did you say that!? Are you fucking out of your mind, huh?" bulalas ko nang makalabas na kami sa wakas ng bahay

Wala akong ginawa kanina kung 'di ang tingnan siya ng masama sa hapagkainan! Nakakainis siya!

"Ba't 'di ka nalang magpasalamat? I just save your ass." aniya

"Ano?! Hindi mo'ko iniligtas, ipinahamak mo lang ako!" giit ko

Sa sobrang galit ko ay gusto ko nang maiyak! Nakapamaywang siya sa harap ko habang tinitignan ko siya ng masama.

"Tss!" he clenches his jaw

"Umalis ka na nga!" I rolled my eyes at pumasok na sa loob ng bahay

Bahala na siya sa buhay niya, tutal naman ay hindi na siya lasing.

"Hon, wala namang masama kung nanliligaw 'yung si Zael he looks nice and decent, I think he's perfect for our daughter." dinig kong sabi ni mommy kay daddy

"Mum... hindi po siya nanliligaw sa akin." agap ko bago pa sila mag-expect ng kung ano

"Huh? Pero kasasabi lang niya, hija." mum's confused face looks at me

"Maybe he's just trying to fool us who knows?" tamad kong sabi bago naupo sa sofa habang nabitin naman si mommy sa kinatatayuan niya

"Bakit naman? Mukha naman siyang matino." she said

Napasinghap ako. Nakipag-basag ulo nga siya kagabi e, ganoon ba iyong matino?

"Bakit ang gaan na ng loob niyo sakanya? Kagabi n'yo palang siya nakilala ah-" naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang aking telepono

Zael:

I'm home, Miss sunget!

Itinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang pag-ngiti. No... No way! I shouldn't be happy with this simple text message!

Hindi ko siya nireplyan.

"Syempre, kung masama siyang tao edi sana nilooban na niya tayo dito? Pero hindi, nasa terasa lang siya at nakaupo."

"Ma! They're rich paano siya manloloob rito?" halos natatawa kong sinabi

Nagtext ulit siya.

Zael:

Busy? couldn't text me even just once?

Nangungulit ba siya!? Damn him!

"Even so! Malay natin!" nagkibit balikat si mommy

Napahalakhak naman si Daddy "Oh s'ya! Panindigan mo iyan Allysa!"

Tinignan lang ako ni Mommy pagkatapos sabihin iyon ni Daddy.

Ako:

Stop texting me!

Ibinulsa ko na ang aking cellphone pagkatapos 'nun.

"Anyways, papasok na ako ng office. Sabay kana?" bumaling na si Mommy kay Daddy na nakaupo pa 'rin ngayon sa sofa

"Sure. I'll drive." sagot ni Daddy bago tumayo at tumingin sa akin "Calli, ikaw na bahala." paalala niya

"As always Dad, take care!" paalam ko

Tumunog naman ang aking cellphone sa isang tawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon! Inaamin ko, nagdadalawang isip akong sagutin iyon. But...

"H-Hello?" nanginig ang boses ko

"Can't reply on my texts but can answer my calls, huh?" I startled when I heard his voice on the phone

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon