Kabanata 11

667 22 0
                                    

Kabanata 11

Ilang araw nalang ay magc-christmas vacation na kaya naman ang ibang estudyante dito ay naghahanda na para sa nalalapit na bakasyon.

Walang ibang bukang bibig ang mga tao dito kung 'di ang bakasyon. Ilang weeks din kasi iyon dahil napaaga ang bakasyon. Wala pa si Nella kaya dumiretso na muna ako sa locker ko para kunin ang mga libro ko.

Tahimik at walang katao-tao rito sa locker roon kaya chill lang nang pumasok at kinuha ko ang mga libro ko. Aalis na sana ako nang biglang may humarang sa akin! Sa sobrang gulat ay napapapikit ako!

Napasandal ako sa mismong locker ko at ang kaniyang mga braso ay nasa magkabilaang gilid ko!

Naidilat ko bigla ang mga mata ko nang may pangalang rumehistro sa isip ko!

But I was wrong... It was Gino! Charlotte's ex-boyfriend! Anong kailangan niya sa akin!?

"Ikaw..."

I whispered as I look into his brown eyes. Magulo ang kaniyang buhok, matangos na ilong, mahahabang mga pilik-mata, plump lips... at makinis na mukha. In short gwapo siya.

Ito ang kauna-unahang nakita ko siya ng malapitan. He's a grade twelve student dito sa San Benilte. Madalang ko lang siyang makita dahil tambay siya sa St. Elisabeth.

"Uh huh." he whispered back dahilan para maamoy ko ang mabango niyang hininga

Tangina paano nagawang ipagpalit ni Charlotte ang lalaking 'to sa isang halimaw na gaya ni Zael?!

"Anong kailangan mo? Nagmamadali ako." giit ko at pinipilit na makaalis sa mga braso niya

"Sagutin mo muna ang tanong ko." he said

Hindi ko alam pero kinakabahan ako lalo na sa kaniyang awra. Isa siya sa mga kinakatakutan ng mga junior high dito sa St. Benilte. Parang gusto ko nalang tuloy lumubog dito sa kinatatayuan ko dahil bahagya akong... natatakot.

"A-Ano?" nauutal kong tanong

"Alam mo bang nakipag break si Charlotte sa'kin? galit na galit niyang utas

"Then? Ano naman ang kinalaman ko sa relasyon niyo?" kumunot ang noo ko

Umigting ang mga panga niya bago ako sagutin

"That is because of your boyfriend!'' inalis niya ang isa niyang kamay sa kanan para guluhin ang buhok niya

Napayuko siya habang ako naman ay nakaawang ang bibig habang tinitignan ang magulo niyang buhok.

"Boyfriend? Wala ako 'nun!" giit ko

"Come on!" sigaw niya habang nakayuko pa 'rin siya

"Si Zael 'di ba? Siya ang boyfriend mo!" nag-angat siya ng tingin sa akin

Nanlaki ang mga mata ko at humanga sa kaniyang mga mata!

"Hi...ndi ko siya boyfriend." napaawang ang bibig ko

"Fuck!" he cursed out loud

"Pwede ba? kung ayaw na niya sa iyo... tigilan mo na."

Natigilan siya at tinitigan ako

"Ya think?" napalunok ako bigla nang sabihin niya iyon

Tumango ako bilang sagot sa katanungan niya

He chuckles a bit "I don't think so Calliope, paano mo nagagawang mag panggap ng ganyan? Wherein ikaw ang kasama niya before his party." nag-taas siya ng kilay

Nanlaki ang mga mata ko! Ni anino niya wala ay hindi ko nakita! How did he knew it?!

"H-How did you know-"

Hindi ko na nagawang ituloy ang sinasabi ko nang umalis na siya sa harapan ko.

Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik sa leeg nang makaalis na siya sa harapan ko!

Wala sa sarili akong lumabas ng locker room at tulala. Hindi tuloy ako makapag focus ss lesson namin dahil sa mga naiisip ko.

"Tara?" anyaya ni Nella sa akin

"Huh? Ah, oo tara."

Natigilan si Nella siguro ay napansin ang pagkawala ko sa aking sarili. Pinagmasdan niya akong mabuti, ganoon din ako sakanya.

"Ayos ka lang?" usisa niya

Tumango ako ng nakangiti sakanya, pinapakita na ayos naman talaga ako.

I think napaniwala ko naman siya dahil huminga lang siya ng malalim at naglakad na palabas ng aming room. Dumiretso kami sa cafeteria kung saan konti pa lang ang mga kumakain, mabuti iyon para makakuha kami ng upuan.

"Kuha ka na ng mauupuan natin, ako na bahala sa pagkain." nakangiting sambit ni Nella

"Okay. Thanks!" saad ko sa aking kaibigan bago umalis sa harapan ko

Inikot ko ang paningin ko sa buong cafeteria para makahanap ng mauupuan. Nakahanap naman ako kaagad, medyo nasa center ang nahanap ko pero okay na iyon dahil nag-uumpisa na ring pumuno ng estudyante ang cafeteria.

I sighed at naupo na sa nakuhang upuan. Pinaglalaruan ko ang cellphone kong hawak habang hinihintay ang pagdating ni Nella.

Umingay bigla ang cafeteria dahil sa pagdating ng mga senior high students, hindi na ako nagtaka dahil panigurado ay sina Klaus lang iyon. Madalas naman silang ganiyan na animo'y nasa giyera sila!

Hinayaan ko nalang.

Dumating na si Nella dala ang mga pagkaing in-order niya. Cake, Spaghetti at Coke iyon at pareho kami. Nakaupo ako kaharap ang pinto kung saan kita ko kung sino ang mga papasok sa cafeteria at si Nella naman ay nakatalikod sa pintuan.

Kinuha ko na ang para sa akin at inumpasahan na iyong kainin.

"Saan kayo magc-christmas?" tanong ni Nella

"Hindi ko alam. Wala pa 'din namang sinasabi sina Mommy 'bout 'dun." tanging nasabi ko

Anong petsa na pero wala pa kaming plano, sa bahay nalang siguro kami I guess? Wala rin naman ang parents nina Klaus kaya sigurado ako na sa amin lang sila magpapasko.

"Kayo ba?" I asked

Pinunasan niya ang bibig niya bago nagsalita.

"Sa bahay nina Lola. You know Dad naman." aniya

Natawa ako ng bahagya. Oo nga pala every year silang nagpapasko doon.

"Why don't you try a new one?" giit ko

Nilingon niya ako at natawa "Are you kidding me? Nakadipende ako sakanila at wala akong ipon."

I rolled my eyes at saktong pagkatapos 'nun I saw Gino looking at me with a smirk in his lip!

Siya... Siya ang dahilan kung bakit lutang ako ngayon! It's because of him!

Malapit siya sa gilid ni Nella sa kaliwa, hindi siya kita ni Nella dahil nga nakatalikod ito!

Sinamaan ko siya ng tingin, kinindatan naman niya ako. Siraulo!

"Sabi mo e." nagkibit balikat ako

Binalik ko ang tingin ko kay Gino... ganoon pa 'din at nakatingin siya sa akin.

Fuck! Ano ba talaga ang kailangan niya!!

{Don't forget to vote please! <3 Pardon kung may mali man akong nailagay, minadali ko siya lol. xx}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon