Kabanata 33

509 15 0
                                    

Kabanata 33

Wala akong sinabihan ni isa sa pag-uwi ni Tyler ngayong araw. Ang akala nila ay normal na araw lang ang mayroon ngayon pero ang hindi nila alam ay uuwi na siya ngayon.

Maaga akong bumisita sa bahay nila at nadatnan naman si Tita Karen na in-a-arrange ang mga bulaklak na nasa kaniyang sala.

"Mabuti nalang at bumisita ka, Calli. Wala akong maka-usap ngayon." ani Tita
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya, "Umalis po ba si Klaus?" tanong ko dahil mukhang mag-isa lang siya sa bahay

Inayos niya ang pang-huling vase na inaayusan niya bago umupo sa harapan ko,

"Late na siya laging umuwi... at laging lasing na lasing. I don't know what's happening with him lately, was it because of Tyler?" malungkot na nag-angat ng tingin sa akin si Tita

"H-Hindi naman po basta-basta umiinom si Klaus..."

"Iyon na nga e, nag-aalala na ako para sa kalusugan niya."

"I'll talk to him po, pagka-gising niya." sabi

"Thank you, hija." Tita smiled at me "Alam kong makikinig iyon sa'yo." dugtong niya

"M-Ma!"

Pareho kaming napatayo at tiningnan kung sino ang dumating! Ang akala ko ay hindi na ako magugulat dahil expect ko na na darating siya ngayong araw. But damn it, mas nagulat pa yata ako kaysa kay Tita Karen!

"T-Tyler... anak!" nagmadaling pinuntahan ni Tita ang kaniyang anak

Ako naman ay nanatiling nakatayo roon dahil bakas parin sa aking sarili ang gulat na nadama!

Pinanuod ko kung paano yakapin ni Tita ang kaniyang anak, It was like they have not seen each other for a year... pero ang totoo ay dalawang araw lang namang hindi natulog si Tyler sa kanilang bahay.

Siyempre hindi naman nila matitiis ang anak nila, hindi ko lang alam kay Tito Truman...

Nagising si Klaus at gulat rin ang kaniyang naging reaksyon ang kaniyang mga mata'y namumugto pa nang bumaba siya galing sa kaniyang kwarto! 

"I-I'm so sorry for e-everthing, Ma... Klaus... please forgive me." iyak ni Tyler

"Sshh, Tyler you don't have to say your sorry. Wala kang kasalanan, okay?" his mum said

"Matagal ko pong itinago ito, Ma... lalo na po sa inyo which is wrong dapat po ay sinabi ko na noon pa man para hindi na nagka-problema pa!" anito

Mas lalong niyakap ni Tita si Tyler, watching them is like watching some dramas on television, pati ako'y nadadala sa mga iyakan nila! Nakakainis!

"Anong ginagawa niyan rito, Karen!"

Nagulat kami ng makita namin si Tito Truman na galit na galit. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at nag-aapoy sa galit!

"Truman!" pumagitna si Tita Karen

"Anong ginagawa mo ritong, hayop ka!" sigaw niya

Napapikit ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya,

"Pagkatapos ng ginawa mo may gana ka pa talagang umuwi? Sana ay hindi ka na nag-abalang umuwi at tumira na sa lalaki mo! Nakakadiri ka!" panggagalaiti niya

"Pa..." nanghihinang sabi ni Klaus

Dinaluhan ko siya at nagkatinginan kami. Ang mga luha sa aking mata'y nagbabadya na dahil sa mga nasasaksihan...

"I...I don't know what I'm going to feel, Tyler. Pero dalawa lang sa mga nararamdaman ko ang alam ko... galit at pagka-dismaya." anito

"That's why I'm here po. Pa. to right my wrongs..." bulong ni Tyler

Natawa ng bahagya si Tito. Napatingin ako sa kaniya...

"What do you mean... Magpapaka-lalaki ka na ba?" tawa ni Tito

"I-It's that what you want me to do..." nauutal na tanong ni Tyler

"Bakit... kaya mo?" matapang na tanong ni Tito

Napalunok at hindi nakasagot sa tanong niya si Tyler. Humagalpak naman si Tito dahil sa hindi niya pagsagot.

"Hinding hindi mo magagawa ang bagay na iyon hindi ba? Baka nga ahasin mo pa ang boyfriend ni Calli e, how bullshit would it be!" tawa ni Tito sabay tingin sa akin

"Truman, will you stop being so  disrespectful?!" sigaw ni Tita dahil sa hindi na niya kinaya ang mga sinasabi ng kaniyang asawa "Ang akala ko'y ibang tao ang manghuhusga sa anak ko! Pero nagkamali ako, sarili niya pa palang ama ang unang huhusga sa kaniya! How could you being so ruthless and heartless to your son!" nanggagalaiti niyang sigaw

"He's not my son!" diretsahang sigaw ni Tito

"My goodness, Truma. Do you even hear yourself? O talagang wala ka nang ni kahit katiting na pagmamahal sa anak mo?" aniya

"Siguro nga Karen. Kung iyon ang ikakapanatag mo! I tell you, it will take years for me to accept him... o kaya mamamatay akong hindi siya tinatanggap bilang isang bading!"

"How dare you!" isang sampal ang ibinigay ni Tita kay Tito Truman

Napahagulgol ako. Dahil ako ang dahilan ng lahat ng ito! Dahil pinilit ko si Tyler na umuwi sa kanila. Noong una palang ayaw na ni Tyler dahil ito ang ayaw niyang mangyari... but I was the one who insist this! 

"Ano bang mahirap sa pagtanggap sa tulad niya?!"

Hindi sumagot si Tito Truman.

"Kung ganoon wala na akong magagawa, Truman. But atleast let him stay in this house..." pinal na sinabi ni Tita bago binalikan si Tyler

Humupa ng kaonti ang away sa dalawang mag-asawa. Lumabas muna ako para magpahangin pagkatapos ng naging alitan kanina.

Should I call my parents now about what happened?

Siguro ay huwag nalang muna... baka mag-alala pa ang mga iyon at maging dahilan nanaman ng away!

"Are you okay?"

Natawa ako "Hindi ba't ako dapat ang magtanong niyan sa'yo... Are you okay Klaus?"

Hindi siya sumagot, ang araw ay bumababa na hudyat na malapit ng mag-gabi.

"You know what... ako ang may kasalanan kung bakit nag-away ang Mommy at Daddy mo e, at kung bakit kayo nasasaktan ni Tyler ngayon... because I forced T-Tyler to go back." nanginginig kong amin

"Saan ang kasalanan doon? Actually you helped us found Tyler. Hindi tulad ng ama ko... hindi ko alam kung pinahanap niya ba talaga ang kapatid ko and I cannot see his care as a father!" giit niya

"Nagtatanim ka ba ng galit sa Papa mo?" tanong ko

He leaned over the railings and looked upon the sky...

"Malapit na." giit niya

"Nakwento nga sa akin ni Tita na lagi ka raw naglalasing ngayon!"

"Hindi naman masyado."

"Tigil-tigilan mo na nga iyan." sabi ko

"Well I found happiness in the alcohol." nagkibit balikat siya

"Nga pala gumagabi na... nasaan na sundo mo?" nag-aalala niyang tanong

"Hindi pa nga sumasagot... baka busy." alu ko sa sarili ko

"Baka busy-busyhan..." tawa ni Klaus "Matagal na kayo 'di ba? How long? Two years... four years?"

"Six years." pagtatama ko

"Uh-hm sa ganiyang tagal nag-uumpisa ang pagloloko." biro niya

Napairap ako is that even a joke?

"H-Hindi 'no!"

Linihis ko ang tingin ko at hindi hinayaang ipakita sa aking pinsan ang pagkakaroon ng epekto sa akin ng sinabi niya.

{Please do not forget to vote! Pardon my grammatical errors and typos!}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon