Kabanata 2

1.3K 30 0
                                    

Kabanata 2

Wala akong ibang ginawa kung di ang iwasan si Zael, Naiinis na ewan dahil sa mga kilos niya. Lalo na sa sinabi niya kanina!

Ano ako sa tingin niya? Madaling mahulog? Damn him!

Nadatnan kong naglalaro sa Xbox ang mga pinsan ko kaya nilapitan ko sila sinundan ako ng tingin ni Zael kaya hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa tabi ni Klaus na seryosong nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Who are you texting?" I asks him at bahagyang sumilip sa kaniyang hawak na cellphone

Inilayo niya bigla ang cellphone niya nang makitang sumisilip ako sa kaniyang pagtitipa

"Just... nothing." pinatay at itinago na niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa

Natawa ako sa ginawa niya. Alam ko namang babae ang ka-text niya e!

"Who's that, Avery?" nanlaki ang mga mata ko

Hindi siya umimik at tahimik lang na pinapanood ang mga naglalaro sa harap nakita kong tumingin si Zael sa amin kaya pasimple kong iniwas ang tingin ko.

Pero hindi pa pala natatapos ang lahat bigla siyang tumayo at naupo sa tabi ko ng hindi nagsasalita!

"Oh, bro ayaw mo na?" tanong ni Cameron sakaniya ng hindi tumitingin dahil busy sa harap

"Natatalo na kase!" biro ni Tyler

He only chuckles at them and shook his head. Gusto kong makalayo sakaniya dahil bahagyang dumidikit na ang kaniyang mga braso sa aking braso!

His bloodshot eyes gaze at me, It sends electricity through me!

Iniwas ko ang tingin ko at natulala sa harap kung saan sila ay naglalaro ng Xbox

Naramdaman ko namang nilagay niya ang braso sa likod ng sofa!

Bahagya akong napapikit dahil sa hindi ko pagka-komportable sa lagay namin

His arms rested on the backrest of the couch behind me. Napa-tiim bagang ako at dahan-dahang muling humarap sa mga naglalaro sa harap.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Klaus dahilan para magpaalam siya na sasagutin niya lamang iyon

Huminga ako ng malalim at biglang kinabahan dahil, maiiwan ako mag-isa kasama ang lalaking 'to!

"Can you feel the awkwardness?" he asks

Napaawang ang bibig ko, hindi alam ang isasagot dahil una sa lahat hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang "awkwardness"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." tanging sagot ko

"Well, then. I am sorry for what I've said a while ago. Palabiro lang talaga ako. I just want to be friends with you."

Wow!

Hindi ko alam, at ayoko nang malaman pa kung ano ang tinira ng lalaking ito bago sumama at pumunta dito kasama ang mga pinsan ko!

Mabuti nalang pala at hindi ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon.

Plus, if he wants to be friends with me he should talk to me in a right way, I am not even aware that what he have said a while ago was only a joke! I mean, what the hell? Sasabihin niya iyon sa kakakilala pa lamang? Well, yes. I'll take it if you were my friend but in his case? Argh!
"Never mind that." tanging nasabi ko

Hindi na siya muling nagsalita pa kaya hinayaan ko na siya. Mabuti naman.

Bumalik na sa upo si Klaus na may ngiti na sa labi. Parang kanina lang ay nakasimangot ang loko!

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon