Kabanata 28

512 14 0
                                    

Kabanata 28

It's been years since I said yes to him on that lake. Mas lalo lang tumatag ngayong nag-matured na kami at nagkaroon na ng trabaho, pero hindi naman iyon naging hadlang dahil may oras naman kami lagi sa isa't-isa.

Nagtatrabaho ako ngayon sa Oil Company namin at nag-umpisa sa mababang posisyon, though my parents were loth about it wala na rin naman silang nagawa because that was final decesion.

Nasa mababang posisyon man nakakailang pa rin dahil 'Ma'am' pa rin ang tawag nila sa akin ng mga katrabaho ko dito sa second floor,

Sinasabi kasi nila na nakakahiya daw kung hindi ako tawaging ganoon lalo na't anak ako ng may-ari.

"Hi," bati ko kay Zael nang sunduin niya ako sa trabaho

Galing din siya ng trabaho at nangakong susunduin ako dahil may usapang magdi-dinner kami ngayon.

He hugged me and kissed my head, "Are you tired? We will re-schedule the dinner if you want..." aniya habang yakap-yakap pa rin ako at parehong naglalakad papuntang parking lot

"No, I'm alright. Baka nga ikaw ang pagod diyan." tawa ko

Nakwento niya sa akin na he should work harder dahil siya na ang susunod na magiging CEO sakanilang Company. Well I understand it dahil siya ang panganay at lalaki sakanilang magkapatid. Nag-aaral pa si Zalestra kaya wala siyang choice.

Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin rin siya sa akin nang nakangiti.

"Why?" tawa ko habang hinihintay parin ang kaniyang sagot

"I would never get tired, Calli. I have you... as my inspiration. Ang lahat ng paghihirap at pagod na ginagawa ko, it's all for us... for you... and for our future family." he sincerely said

Tila may kamay na humawak sa puso ko dahil sa sinabi niya, gusto kong maiyak na ewan sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na ang future na kaagad ang iniisip niya para sa aming dalawa! 

Hindi mo kasi aakalain sa itsura niya na ganoon na ang iniisip niya para sa amin... I don't know what to feel, pakiramdam ko pag dinibdib ko ito, mawawasak ang mga pangarap niya para sa amin.

Pangarap... 

I've then realised that being in this relationship is like already building your dreams... together.

Kaya nga tayo nagb-boyfriend o nag-girlfriend e, para mahanap mo na iyong makakasama mo sa habang buhay. Siguro nga ganoon ang iniisip nito ngayon.

"Really?" tanong ko kasabay ng pag-ihip ng malakas at malamig na simoy ng hangin

"Uh-hmm." sagot niya at mas lalo akong niyakap ng napaka-higpit

"Don't work too much... I love you." I whispered

"I love you, more." he whispered back

We went in a fine restaurant here in Manila. Hindi na kami masyadong lumayo pa at pumunta nalang sa pinaka malapit kung saan naroon ang kumpanya namin.

Magka-hawak kamay kaming pumasok sa restong dalawa napansin ko ring maraming mga kumakain, gabi na kasi kaya siyempre pipiliin ng iba na sa resto na kumain kaysa sa magluto pa pagkauwi.

"Dito po tayo Ma'am and Sir."

Iginiya kami ng waiter sa aming lamesa. Hindi naman gaanong kalayuan iyon at mukhang kumportable namang upuan.

"Anong sa'yo?" tanong ni Zael nang ibinigay ng waiter ang menu

"Ikaw... kung ano nalang ang sa'yo." sagot ko

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon