Kabanata 34

504 18 1
                                    

Kabanata 34

Sa mga nagdadaang araw lagi nalang busy si Zael. Hindi na nga kami halos magkita nitong mga nakaraang araw dahil sa pagiging abala niya. I have this urge na bisitahin siya sa office niya, pero hindi kaya ng schedule ko dahil bumalik na ako sa trabaho nitong nakaraang linggo lang.

Nakakahiya naman dahil kagagaling ko lang sa leave tapos iba ang aasikasuhin ko... lalo na't tumambak ang mga papeles na nakalagay ngayon sa desk ko.

Dumagdag pa itong si Zael na kanina pa hindi sumasagot sa mga tawag at texts ko! Ganoon ba siya ka-busy ngayon at hindi niya magawang makapagtipa sa kaniyang telepono ng kaniyang sasabihin?!

Tumayo ako at lumabas sa aking cubicle at nagtimpla ng kape. Mag-a-alas diez na pero nandito pa rin ako sa opisina. Nagbabalak kasi akong mag-over time at ganoon rin ang mga taong naririto kaya ayos lang dahil may kasama naman ako. 

Humikab ako at sandaling tiningnan ang aking telepono may mga mensaheng dumating pero wala akong nakita na galing kay Zael. Ibinagsak ko ang tingin ko sa kapeng sinangkapan at ininom iyon bago bumalik sa aking ginagawa.

"Ma'am 'di ka pa uuwi?" tanong ni Cherry ilang sandali ang lumipas.

Umiling ako, "Mago-overtime ako." sagot ko

"O-Overtime po... Ma'am?" hindi niya makapaniwalang tanong

Nilingon ko siya at nakitang gulat na gulat ang kaniyang mukha! Ibinalik ko ang tingin ko sa computer.

"Marami kasi akong tambak na trabaho at kahit papaano gusto kong mabawasan." saad ko

"Naku! Ma'am bakit hindi niyo po kaagad sinabi sana ay napagtimpla ko kayo ng kape!" natataranta niyang utas

"No, it's okay!" ngiti ko at inangat ang kape na ginawa ko kanina "Please, don't act like I'm your boss." tawa ko "Ako iyong naiilang sa inyo e!" dagdag ko

"Eh... Ma'am hindi naman po namin maiiwasan iyon." nahihiya niyang amin

"Kayo talaga!" tawa ko

Saktong alas-dose na nang mapagpasiyahan kong umuwi na. Ang mga kasama ko'y nananatili pa ring naririto, ang sabi nila ay maya-maya na raw sila mag-a-out. Kung marami ang trabaho ko, mas marami ang sakanila!

Tanging ang guard nalang ang naabutan ko sa labas na nagbabantay,

"Inumaga ho kayo ma'am ah?" anito

"Oo, manong..." sagot ko habang luminga-linga "Uh... may masasakyan pa po ba sa ganitong oras?" tanong ko

"Mayroon pa ho ma'am kaya lang maghihintay pa po ng matagal." sagot niya

"Ganoon ba..." I glanced at my wrist watch and it showed 12:20 in the midnight

"Upo muna kayo ma'am at ikukuha kayo ng taxi." utas niya

"Sige po, salamat." giit ko

Lumabas muna ang guard at kinuha ako ng taxi. Ngunit ilang minuto ang nagdadaan ay walang dumarating kaya napag-desisyunan kong tumayo sa kinauupuan ko at kamustahin si Manong na matiyagang naghihintay ng taxi.

"Ma'am punuan po iyong mga dumadaan e," napakamot ng batok si Manong guard

"Maghihintay po ako Manong." sabay yakap ko sa sarili ko

"Okay po. Hintay pa po ng kaonti." anito

Huminga ako ng malalim at tinext si Zael. I hope this time he'll going to answer me.

Ako:

Can you pick me up? Nag-overtime kasi ako.

Umihip ang malamig na hangin at mas lalo 'kong niyakap ang sarili ko. Ang walang sagot galing kay Zael ay mas lalong bumagabag sa akin.

Kung ang driver ni Mommy ang tatawagin ko, malamang ay tulog na iyon. Nakakahiya naman kung tatawag pa ako sa bahay at ipagising siya...

Bigla akong nasilaw dahil sa ilaw ng sasakyang parating. Napapikit ako't napaatras dahil baka mabunggo pa ako kung sino man ito... Pero sigurado ako na hindi kay Zael ang SUV na ito!

Namatay rin naman ang makina at ang ilaw kaya iminulat ko na ang mga mata ko.

Nanliit ang mga mata ko nang makitang bumaba ang lalaking sakay nito, ang kaniyang katawan at tindig ay pamilyar sa akin. Nabuhayan ako ng loob ng inakala na si Zael iyon, lumapit ako ng nakangiti pero naglaho rin nang matanto kung sino iyon... 

"Reece..." bulong ko

Kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako. Hindi niya siguro inaasahan na magkikita kami rito!

"Calli... wow! U-Uh, nice to see you here!"  may bakas pa rin ng gulat sa kaniyang mukha

Nakakapanibago ang kaniyang mukha, his hair is under his ears now...

"Uh hi... kailan ka pa dumating?" tanong ko

"Actually kadarating ko lang... uh pauwi ka na ba? Hatid na kita."

"Iyon naman pala ma' am pahatid ka nalang po kay sir Reece at ng makapagpahinga na po kayo... kung maghihintay pa ho kasi kayo ng taxi e aabot ho kayo sa siyam-siyam." wika ni Manong

Tiningnan ko si Manong bago kay Reece, hindi ko na inabala pang itanong kung bakit niya kilala si Reece at pumayag na akong magpahatid.

"Thank you po, Manong ha?" paalam ko

"No problem, Ma'am Calli ingat po kayo!" anito

"Anong ginagawa mo sa kumpanya sa ganitong oras?" tanong ko kay Reece

"Galing ako ng Airport... so yeah."

Napatango ako, Oo nga pala at daanan ang kumpanya namin papunta at paalis ng airport.

"I-Ikaw ano pang ginagawa mo sa ganitong oras?" tanong niya

"Nag-ovetime ako." mabilis kong sagot

"Talaga?!" hindi niya makapaniwalang sabi

"Oo kaya 'no! Marami lang akong tinapos..." sagot ko

"Uh nagkita na ba kayo ni Zael?" I asked him

"Not yet." maikling sagot niya

Ala una na ng umaga ng maihatid ako ni Reece sa bahay. Nakakahiya nga dahil kauuwi niya lang galing ibang bansa pero nag-pahatid na agad ako!

"Ayos lang iyon. Maliit na bagay lang." anito

Nahihiya akong tumango. Papasukin ko pa sana siya sa bahay nga lang ay kailangan na daw niyang makauwi. Pumayag na ako dahil naiintindihan ko naman.

Pinunasan ko ang mga mata kong pagod na pagod dahil sa computer. Ilan buwan palang akong nagta-trabaho pero gusto ko na agad sumuko...

Ganito pala ang pakiramdam ng walang pinanghahawakan... nakakawala ng gana sa mga bawat bagay na gagawin mo.

Isa pa itong Zael na ito na buong araw na hindi nagparamdam sa akin!!

Hindi ko na alam kung maiinis ako o mag-aalala sa hindi niya pagpaparamdam sa akin.

His face flashed in my head. The smirking face of Zael made my heart skip a bit. Hinawakan ko ang dibdib ko at napapikit. Damn you, asshole kahit na nagtatampo ako sa'yo... mahal na mahal pa rin kitang gago ka!

{Please do not forget to vote! Pardon my grammatical errors and typos!}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon