Kabanata 5

879 25 0
                                    

Kabanata 5

Tinuro ko si Klaus sa harap na kung saan ay palapit na sa amin kasama ang iba ko pang mga pinsan at si Nella. Nag-katinginan silang lahat siguro ay nag-tataka kung kay Zael ba talaga ang kotseng ito o nandito kami.

Lumabas ako ng kotse, Zael tried to stop me. Pero wala na siyang nagawa nang maka-labas na ako ng kotse niya!

Nagka-tinginan kami ni Klaus, basang-basa siya at hinihingal. At nang nasa harapan na niya ako ay bigla niya akong niyakap!

"I'm sorry... please... I-I'm sorry." paulit-ulit niyang sabi

"I-It's okay, I am fine... nothing strange happened." pagkukumbinsi ko sa kaniya at pati na rin siguro sa sarili ko

Bumitaw na siya sa pagkaka-yakap at doon ko nakita ng malapitan ang mukha niya, His bloodshot and swollen eyes are so visible even in this darkest night!

Umiyak siya?

"Calli..." niyakap ako ni Janella dahil siguro sa sobrang pag-aalala

"Umuwi na tayo, siguradong pagod na din si Calliope." Cameron announced

Nilingon ko si Zael na ngayon ay nasa labas na rin at namumungay ang mga mata.

"Sabay ka na sa amin, brad." dugtong ni Cameron

"What about my car?" tanong naman niya

"Kami na ang bahala."

Tumango siya at lumingon sa akin, Nag-iwas agad ako ng tingin at sumakay na sa loob ng van. Sumunod na rin sila pagkatapos ng konting pag-uusap.

Napapagitnaan ako nina Nella at Klaus, si Tyler naman ang nagd-drive at katabi niya si Rovan sa likod naman ay sina Cameron at Zael.

Walang nangangahas na magsalita sa amin kaya binasag ko ang katahimikan.

"Ilang oras na kayong nag-hahanap sa akin?" I asks

"More on, three hours." si Tyler ang sumagot ng aking katanungan

"I've been calling you, but you're not answering your phone.. Kaya nag-panic na ako na baka hindi ka pa naka-uwi kasama si Klaus. Pag-dating sa inyo wala ka pa pero nandoon na si Klaus. That's why I told them you are still on the school, pero pagka-punta namin sa school wala ng tao! Kaya hinanap ka namin."

Janella explains to me. Huminga ako ng malalim, nagda-dalawang isip pa kung itatanong pa ang isang bagay na dahilan kung bakit nila ako hinanap kung saan at kung bakit ako na-trap kasama si Zael! Nagmuni-muni ako at nakapag-desisyon na.

"Klaus... Did you forget about me?" I said almost a whispers

"N-No. Magulo lang ang isip ko kanina..."

Hindi na siya nakapag-salita dahil sumabat si Tyler

"Ganoon na din 'yun." aniya

Bakit magulo ang isip niya? I mean, May kinalaman ba dito si Avery? I saw them yesterday! Hindi ko alam kung may namamagitan na sakanila. I kinda like Avery, she's beautiful and caring. Siguro ay nagka-problema silang dalawa?

Nilingon ko si Klaus na naka-tingin din sa akin, tingin na parang nagsasabing "Go ask me questions" umiling nalang ako at isinantabi ang naisip

Saktong alas-onse y media ng gabi nang makarating kami sa bahay at napagdesisyunang ng aking mga pinsan na mag-sleep over dito sa bahay.

"Hay! Nakakapagod!" nag-stretch si Nella pagka-baba ng sasakyan

"Right."

Sabi ko ng ma-realize na dito matutulog si Zael! Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Okay Calli relax okay? sa guest room siya matutulog, huwag kang feeling diyan!

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon