Kabanata 21

590 17 2
                                    

Kabanata 21

"Happy new year!" sigawan naming lahat nang sumapit ang alas-dose

Sinindihan nina Dad ang mga pinamili nilang mga paputok gaya ng fireworks at fountains, Pinanood ko iyon kung paano umilaw sa aking harapan.

It was so beautiful to watch the every colors of it when it moves through the air and sparks from above.

Ang mga pinsan ko nama'y nag-iinuman na kasama ang mga Tito. I saw Tyler and Porter, hindi nga sila umiinom. Nilapitan ko sila kung nasaan ang table nila.

"Happy new year, guys!" bati ko nang makaupo ako

"Happy new year sa aking cute na pinsan!" wika ni Cameron

Sinimangutan ko siya, lasing na ba siya? Eh, kauumpisa palang nila ah?

"Ang hina mo talaga pagdating sa inuman, lasing ka na ba?" bawi ko

"Hindi, ah!" aniya at isinandal ang likod niya sa monoblock chair

"Hindi raw, eh pumupungay na mga mata mo!" ani Klaus

"Kaya ko pa." natatawa niyang sabi

"Good, dahil walang magdadala sa'yo sa kwarto mo!" biro ni Klaus

Nagtawanan kami at sumimsim ako sa juice na kinuha ko kanina sa kabilang table. Saktong napatingin naman ako kina Porter at Tyler.

Nagkatinginan kami ni Porter, I awkwardly smiled at him.

"Ba't hindi mo kasama ang girlfriend mo? Sana ay isinama mo siya para may kausap naman ako." I blurted out

Nagkatinginan sila ng ilang sandali ni Tyler. Porter looks confused as he look at my cousin, Tyler shooks his head. Hinarap ako ni Porter para sagutin ang aking tanong.

"I don't have one." simple niyang sagot

What? Ang akala ko ba ay mayroon ang isang ito? kasasabi lang ni Reece!

"Oh I'm sorry, I thought you have yours. Kung ganoon bakit hindi ka ata umiinom?" usisa ko

"Well, I'm not into alcohols." he smirked

Tyler smirked a bit, at sinuntok ng pabiro si Porter. Nagtawanan sila.

"Ganoon ba?" napatango nalang ako

"Ilang buwan na ring hindi namba-babae si Porter ah? What's the matter bro?" sumabat nanaman si Cameron

Porter chuckled sexily, "Sabihin nalang nating ibinibigay ko na sayo ang trono ko." aniya

"Ha! Nah, matagal nang nasa akin ang trono dude!" tawa niya 

"If you say so." said Porter

Napatitig ako kay Porter. Porter's kind is my ideal type; maangas at alam na alam mong badboy ang datingan.

May biglang sumagi sa isipan ko na kagaya niya. I shooked my head!

"I'm wondering, sa guwapo mong iyan ay wala kang girlfriend?" tanong ko ulit

Ang tumatawang Tyler ay napatingin at nalaglag ang panga sa tanong ko. What? as if I did something bad!

"Oh no, Calli is hitting on you dude!" Cameron mocked

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan si Daddy kung narinig niya ba ang sinabi ni Cameron, mukhang hindi naman dahil kausap niya si Tito Geoffrey.

"Shut up Cameron! Lasing ka na nga!" sigaw ko nang bumaling ulit ako sa kaniya

"I said, I'm not. Come on!" pagyayabang niya

Inirapan ko siya at hinarap si Porter para sana marinig ang kaniyang magiging sagot.

"Well—"  Biglang pinutol ni Tyler ang sasabihin sana niya...

"He has allergy... that is why hindi siya umiinom." putol ni Tyler

"Oh!? That's unusual for me, huh." gulantang kong sabi

Siya palang ata ang kilala kong may allergy sa alak? Karamihan sa mga teenager ngayon ay umiinom na. Then there he is, allergic sa alak?

Bumaling ako kay Porter at nakitang iritado siya sa kung ano, tila'y may gusto pa siyang sabihin nga lang ay pinipigilan siya ni Tyler?

What is it?

"Ako rin, ngayon ko lang nalaman ang tungkol roon dude ah?" ani Rovan

"May mga taong ganoon talaga guys," saad ni Tyler

"How about you Ty? I wanna know ba't di ka umiinom?" tanong ko

Tiningnan niya si Porter bago  sumagot, nga lang sasagot na sana siya ng biglang sumabat si Cameron.

"Takot lang iyan malasing!" humagalpak sa tawa si Cameron

Nakisama na rin si Klaus at Rovan sa tawanan.

"Mga baliw 'to, s'yempre sino ba naman ang hindi matatakot kung pagtitripan niyo siya habang lasing?" giit ko

"Right!" tawa pa rin ni Cameron

Sa aming magpi-pinsan si Tyler lagi ang napagti-tripan hindi lang dahil siya ang bunso sa mga lalaki kundi dahil sa mahinhin din siya minsan kaya ganoon.

"Accurate." singhal ni Tyler

Napailing ako at sinimsim ang natitirang juice sa aking baso. Nang maubos iyon ay tumayo ako para magsalin ulit.

"Kumusta naman doon sa table niyo?" tanong ni Mommy nang mapadpad ako sa lamesa nila

"Okay naman po, mum. Nagkakatuwaan." nangingisi kong wika

"Hmm, that's good." sagot niya

Ngumiti ako bago lumipat sa isa pang table kung saan sama-sama roon ang mga pagkain kabilang na ang mga juice at liquors.

Nagsalin na ako ng juice at sandaling kumuha ng salad at inilagay sa aking pinggan.

"Do you find Porter attractive?" napa-angat ako ng tingin sa lalaking nagtanong noon

"A bit." I chuckled nonchalantly

"So... he is your type." aniya

"Just my type, Ty. Pero ayoko sa ugali niya." pag-amin ko

"Why?"

"You know, a playboy." nagkibit-balikat ako

"I see. but based on my own opinion he's not that type of guy although some people may consider him as a badboy," paliwanag niya

"Anong ipinaglalaban mo?" pabiro kong sabi

"J-Just... nothing." nauutal niyang sabi

"Talaga?" nanliit ang mga mata ko

Tumango siya habang nakatikom ang kaniyang bibig.

"You don't want him for me?" I seriously asks him

"Yes." diretsahan niyang sagot

Nagulat ako sa sinabi niya. Ito ang kauna-unahang ayaw niya para sa lalaking natitipuhan ko, is there is something wrong?

"Bakit?" nawala ang ngiti sa aking labi

"Because someone already owned him." simple niyang sagot

"Ha? Hindi ba't wala siyang girlfriend?" naguguluhan kong tanong

He smirked

"Once a playboy always a playboy." by that he leave me clueless

Tahimik lang akong bumalik sa lamesa namin, Tyler watches me as I sat on the chair. I smiled at him, but he never smile back.

Iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Ayos ka lang?" bulong ni Rovan sa aking tabi

Tumango ako kahit na naguguluhan sa aking naiisip.

{Please don't forget to vote! Pardon my grammatical errors and Typos. Luvlots.}

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon