Kabanata 13

631 20 0
                                    

Kabanata 13

Tyler:

Please, make sure you're true to your words.

I sighed after I received the text message of Tyler. Nakauwi na sila, kanina pa. At tinext niya kaagad ako. Seems like he's really afraid that I might tell his secrets to anyone. Sa totoo lang niyan nangangati na ang dila kong ikwento kay Nella ang tungkol doon, but I promised to him na iyon nga, hindi ko ipagsasabi!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung kailan patapos na ang taong ito, doon pa dumami ang problema! Bakit ganoon? Ako lagi! Sa akin lagi!

His hurtful and yet sweet voice are now on repeat in the back of my head.

Ako:

Of course! Maaasahan mo ako 'no!

Ibinaba ko ang cell phone ko at huminga ng malalim bago nag-isip muli nang biglang tumunog ang cell phone ko dahil sa isang text ulit galing sa kaniya.

Pinaglaruan ko ang bottom lip ko gamit ang mga daliri habang tinitignan ang kadarating na mensahe niya.

Tyler:

And please, do not brings this up again.

Tinigilan ko ang paglalaro sa aking labi at pumangalumbaba bago huminga ng malalim. Humiga ako sa aking kama at tinitigan ang kisame, mabuti pa nga siya at may lovelife ako? zero.

Hindi ko na siya nagawang replyan. Dahil pumipikit na ang aking mga mata, alas onse y media na ng gabi at 'di pa ko natutulog!

Bigla 'kong naalala na hindi pa pala ako nakakainom ng mga vitamins ko! Kaya kahit inaantok na pinilit ko paring bumaba sa hagdan para makainom na. Kapag kase hindi ako nakakainom ng mga vitamins ay madali akong magkasakit at mapagod, that's why.

Pagkatapos uminom, aakyat na sana ako sa kwarto nang bigla akong makarinig ng mga kaluskos sa labas! Fuck!

"Sino iyan?" tanong ko

Hindi muna ako lumabas at hinayaang makasagot, pero wala! Kumunot ang noo ko at tuluyan na ngang lumabas ng bahay!

Nang nasa labas na ay bigla akong kinilabutan dahil sa malamig na simoy ng hangin. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may tao ba o wala.

"Ganoon-ganun na lang ba iyon?"

I startled when Zael showed up from somewhere! Kumalabog ang puso ko nang makita ko muli ang kaniyang mukha! Nothing has change, nga lang mas gumulo ang buhok niya ngayon. And... he looks desperate and frustrated!

Biglang kumulo ang aking dugo sa kaniyang pagdating at sa kaniyang sinabi!

"What the hell are you doing here?!" bulong ko na may halong diin

Naupo siya kung saan naupo sina Cameron kanina. Tila pagod na pagod siya sa kung ano dahil pagkaupo niya ay binuka niya ang mga binti niya at ang magkabilang kamay ay inilagay sa taas ng couch.

"Kinakausap kita!" giit ko at pumeywang sa harapan niya nang makalapit ako

Mapupungay ang kaniyang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Are you drunk? huh?" tanong ko

Ngumisi siya at doon ko napansin ang pasa sa kaniyang kaliwang labi! Gusot-gusot 'din ang kaniyang dark blue t-shirt.

Anong nangyari sa mokong na ito!?

Huminga ako ng malalim at pumunta sa kusina para kuhanin ang ice bag na nasa refrigerator. Nagdadalawang isip pa ako kung ako ba ang gagamot o... siya nalang? Tutal ay mukhang kaya naman niya.

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon