Kabanata 39

747 16 0
                                    

Kabanata 39

Nanginginig pa ang aking mga tuhod pagkatapos kong makaalis doon dagdagan pa ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko! Mahihimatay na yata ako! His dark eyes flashed in my mind ipinikit ko ang mga mata ko.

Ang makaalis doon nang hindi man lang nahimatay ay isang napakalaking bagay na para sa akin.

Iniwan ko ang pagkain sa aking kotse at naglakad lakad paalis rito sa parking lot, mamaya ko nalang babalikan ang kotse kapag napagod na'ko sa kakalakad ko.

May mini park malapit rito sa mall sa estado nito mukhang kakagawa palang niya, kulang pa ang mga gamit at ang iba ay hindi pa napipinturahan. I look at my wrist watch and it's 6:45 pm ilang minuto na ang nakalipas pagkatapos ng nangyari kanina sa resto. I still couldn't forget how his eyes glistened when he saw me, at wala naman akong ideya kung ano ang itsura ko nang magkaharap kami!

Huminga ako ng malalim at naupo sa isang bench, dumidilim na at tanging ako nalang at ang pagbukas ng ilaw sa mga poste ang kasama ko rito.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko  tatlong taon na ang nakalipas na mangyayari ang bagay na ito; na iiwasan ko siya. Hindi ko alam, mahal ko siya pero kailangan ko siyang iwasan nang sa ganoon ang sakit ng kahapon ay 'di na magparamdam pang muli.

Pumangalumbaba ako at inilihis na ang pag-iisip tungkol doon. Nang biglang...

"Huwag kang sisigaw, akin na wallet mo." isang hindi kilalang lalaki ang lumapit sa akin at nanutok ng kutsilyo sa aking tagiliran

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang matantong holdaper ito!

"Ma-Manong... huwag po, please." nauutal kong pakiusap kay Manong

"Akin na lahat ng gamit mo!" sigaw nito

Ang kaniyang braso ay pumulupot sa aking leeg at tinayo niya ako galing sa aking pagkakaupo ang kutsiyo ay nakatutok parin sa akin!

"W-Wala ho akong pera, Manong." nanginginig kong sabi

"Anong wala? Mukhang mayaman ka halata riyan sa suot mo!" giit nito "Ang mabuti pa'y magbigay ka na nang hindi ka na masaktan pa!" dagdag niya

"Manong you don't have to do this, u-uh I can offer you a job!" suhestiyon ko

"Uutakan mo pa ako!" mariing giit nito

Amoy na amoy ko ang 'di kanais-nais niyang hininga galing sa aking likod! Dito ata ako tuluyang mahihimatay! Inamoy niya ang buhok ko at doon na tuluyang nangilabot!

"Bango mo 'rin!" bulong nito

Shit! Ang maniyak pa!

"Bitiwan mo siyang hayop ka!"

The cold winds blew, and I startled more when I heard his baritone voice! Posible palang makalimutan mo ang naging past niyo kapag nasa bingit ka na ng iyong kamatayan!

"Hindi p'wede wala pa akong nakukuha ni isang kusing mula sa kaniya!" sigaw ni Manong kay Zael

Pinagpapawisan na ako ng malamig at halos kumawala na rin ang puso ko sa aking dibdib! Bahagya namang lumalapit si Zael sa amin.

"Sige subukan mong lumapit nang ikaw ang masaksak ko!" pagbabanta nito kay Zael

Dinuro ni Manong si Zael gamit ang patalim na kanina lang ay nakatutok sa akin.

"Zael puwede ba... umalis ka na at hayaan mo na ako!" sigaw ko

Napatingin si Zael sa akin at napailing "I wouldn't do that!" sigaw niya at inagaw bigla ang patalim kay Manong!

If I Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon