Venus
I was so lost.
Totoo nga ang sabi ni lolo. He told me that he read the letter. Naiintindihan niya kung sino ako. Kilala niya kung sino ako.
He said if I don't believe him nasa may bandang pintuan lang daw papasok ang kalendaryo, pede ko daw tingnan.And so I did.
It's really April 20, 2018.
How did I came here? Anong ginagawa ko dito? Makakabalik pa ba ako?
Those and so many questions are lurking inside my head unanswered.
Nagkulong ako sa kwarto, na sabi ni lolo kanina ay kwarto daw ng mama ko.
Hawak hawak ng kamay ko ang papel na binigay niya kanikanina lamang.
Lolo finished reading it and found an answer. Nakilala niya ako.
Kung babasahin ko din ba ito, makakakuha din kaya ako ng kasagutan?
Inayus ko ang pagkakalukot ng papel. Pilit pinapatuwid kahit alam kong gusot gusot na at kunting galaw ay maaari ng mapunit.
Binasa kong muli ang unang mga salitang nakasukat. Nakita ko kung saan ako huminto nung huli.
I'm sorry that I ran away that day.
I was scared to lose both of you but I still end up losing one though.
I like you and I love Pete and I have to love myself too.
Pete. The mention of papangs name gives pain to me. I suddenly miss him like how I miss my mother. Alam kong magkakilala na sila papa at mama since God knows when at nagclick na lang bigla ang pagkakaibigan nila then turn to pag ibig. But they didn't mention any guy na kasama din nila noong lumaki.
After 10 years of grief from losing you.
Life must go on for us. Para sa mga naiwan. We have to keep moving. Pero hindi ibig sabihin 'nun na kakalimutan ka na namin.You will always be a part of our lives.
Natigil ang pagbabasa ko nang marinig ang ingay sa baba. Mga nagtatawanan.
Itiniklop kong muli ang sulat at naisipang bumaba. Nang marating ko ang panghuling hagdan ay narinig kong sa kusina nanggagaling ang ingay.
Lumapit ako at nakita si mama na nag aayos ng hapagkainan. Hindi pa ako masyadong komportable na makita ang dalagang bersiyon ng aking ina. Kung tutuusin ay mukhang taon lamang ang agwat namin.
Nakita ang lalaking kausap ni mama na nakaupo, nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha.
Kinukulit nito si mama."Sumama ka na lang kasi, tumataba ka na dito eh."
Nakabusangot namang humarap si mama sa kanya. Nakakunot ang noo at hawak hawak pa ang plato sa kamay.
"Sabi ng busy ako, eh "
"Susumbong kita kay Peter Pan" parang bata namang maktol nang lalaki. At sinusundot sundot pa si mamang sa tagiliran nang makalapit ito sa pwesto niya.
Napairap naman si mamang pero halatang nagpipigil lamang ng tawa.
"Para namang may magagawa si Pete." Sagot ni mama.
Pete. The mention of papang's name gives me another empty feeling.
"Tawagin mo nga si lolo sabihin mo maghahapunan na, andun na naman yun sa junkshop sa likuran yata" utos ni mama at agad namang tumalima ang. lalaki at tumayo.
Tatalikod na sana ako ngunit nakita na ako ng lalaki.
I saw him standing 8 feet away from me and 6 feet tall. Sakto lang ang pangangatawan. Moreno at hindi masyadong gwapo para sa aking standards pero maganda ang mata.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him