8

60 3 0
                                    

Venus

"Siguro alam mo na pero sasabihin ko pa rin,"

I toke a sip fron my order at pilit pang yumuko. Kailangang hindi nila ako makita at baka mabuko akong nakikinig sa usapan nila. It's almost ten minutes ng sundan ko sila papa at Earth papunta rito sa isang coffee shop

Earth looks so serious kanina at ganoon din si papa. Nagwoworry ako kung anong sasabihin ni papa sa kaniya given na mukhang nabasa nga niya ang sulat nang pumasok siya sa kwarto kahapon. Pero ibinalik lang niya ang sulat sa ibabaw ng mesa at naglakad papalapit sa akin.

Nararamdaman kong marami siyang gustong sabihin at itanong pero dumating si mama kaya umuwi na lang din si papa na hindi naliliwanagan.

"I think I like Vina," boses iyon ni Earth. Nasamid pa ako ng kaunti dahil sa lantaran niyang pag amin.

"No. Let me rephrase it. I like her," pag-uulit niya pa.

Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kanilang mukha habang nag-uusap pero narinig ko ang mahinang hmm na sagot ni papa.

"Ayaw ko mang aminin pero alam kong mas gusto ka ni Vina kaysa sa akin but that does'nt mean na susuko na lang ako. So may the best man win?" At inilahad niya ang kamay kay papa.

"Sana alam mo ang mga consequences nito," sagot ni papa. Ibinaba naman ni Earth ang kamay nang mapansing hindi ito tinatanggap ni papa.

"Yes, alam ko. Friendship. Pero gusto kong itake ang risk kaysa magsisi," sagot ni Earth. Narinig ko ang pag atras ng upuan at ang hakbang niya papalayo. Natanaw ko na siyang papalabas na ng shop.

Tatayo na rin sana ako para sundan siya pero nandito pa si papa. Makikita niya ako kapag tumayo ako ngayon kaya naghintay pa ako ng ilang minuto.

Nakatanaw lang sa malayo si papa habang prenting nakasandal. Tila nasa malayo ang isip. Bumuntong hininga ito at biglang napatingin sa direksyon ko at dahil sa panic ko ay agad kong kinuha ang brochure na nakadisplay sa aking gilid at nagkunwaring nagbabasa para lang hindi niya makita ang aking mukha.

Mahina akong bumulong ng panalangin na sana hindi niya ako napansin. Kumalma ang aking dugo ng makitang tumayo na si papa. Ibig sabihin ay makakaalis na rin ako rito.

Pero muling bumalik ang pagpapanic ko ng makitang naglalakad siya papunta sa akin.

Literal na napatigil ang aking paghinga ng umupo siya sa bakanteng upuan katapat ko.

Hindi ko pa rin binababa ang aking pagkukunwari na hindi ko siya nakita.

"Venus," narinig kong pagtawag niya ng aking pangalan. It sounds so good to hear. Nakakamiss ang pagtawag ng ganoon sa akin ni papa.

I pursed my lips dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga ganitong sitwasyon. I hate confrontations.

Pinapawisan na  ang aking mga kamay pati na ang aking mga paa. Kaya bago pa man makapagsalitang muli si papa ay tumayo na ako ng mabilis at naglakad paalis.

Pero napatigil din ako at napapihit dahil sa biglang pagpigil ni papa sa akin. Nakahawak siya sa aking balikat. Napayuko ako. Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata.

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon