Venus' POV
Nagmulat ako ng mata at dahang dahang in-adjust ang paningin sa paligid. Nasulyapan ko kaagad ang pamilyar na mukha ni Yuni. Nag aalala itong nakatingin sa akin. Masakit ang aking katawan pero pinilit kong umupo. Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin at napatingin ako sa nakabukas na bintana. Gabi na at malakas ang ulan sa labas. Kinapa ko ang aking dibdib. Bakit parang may kulang sa akin? Hindi ko alam pero parang may napanaginipan akong bigla ko na lang nakalimutan paggising ko. Isang napakahabnag panaginip na dapat hindi kalimutan. Pero ano?
" Okay ka na ba?" Maamong tanong ni Yuni na matalik kong kaibigan sa akin.
Hindi ako sumagot sa kaniya at ipinokus ang atensyon sa nakabukas na bintana. Alam ko sa sarili kong may kulang. Na mayroon akong nakalimutan na mahalagang bagay pero hindi ko alam. Dapat ba akong matulog ulit para maalala ang panaginip na iyon? Napabalik ako sa wisyo nang isinara ni Yuni ang bintana at muling lumapit sa akin.
" Nilalamig ka ba?" Muling tanong niya sa akin.
" Um, tatawagin ko lang si tito. sasabihin ko gising ka na," aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya. Napahinto naman ito at tumingin sa akin na tila naghihintay kung ano ang sasabihin ko.
" A- ano bang nangyari?" Nag aalangan kong tanong dahil hindi ko maalala ang nangyari.
" Nakalimutan mo na ba? Nahimatay ka Ve." Marahang pagpapaintindi niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.
" Nang dumating ako agad kitang hinanap at ang sabi ni tito ay nandito ka lang daw sa kwarto pero wala ka nang sumilip ako kaya nag alala na kami at hinanap ka't natagpuan ka namin sa loob ng music room. Walang malay. Kaya binuhat ka na namin dito. Okay ka na ba Ve?"
Biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari. My heart torn to pieces as the image of my mother sick in bed flashed in my mind. Umiyak ako at naramdaman ko kaagad ang pagyakap ni Yuni sa akin.
"Si mama. Ang mama ko, Yuni. Wala na si mama." Hagulhol ko sa loob ng mga braso ni Yuni. Narinig ko naman ang mahinang pagpapakalma nito sa akin pero masakit pa rin. The heart that I thought it was clad in armor was after all broken by such tragic event. I forgot to shut down all my senses to numb the pain away.
" I am glad you are crying now, Ve. Alam mo bang nag aalala ako sa iyo dahil pinapakita mong hindi ka nasasaktan kahit alam kong masakit iyon para sa iyo? Kung hindi ka pa rin iiyak ako na sana ang iiyak para sa iyo eh. Babatukan na sana kita dahil you keep on pretending that you are strong. You know it's okay to cry. Characteristic kaya iyan ng pagiging human." May halong biro na pagkakasabi ni Yuni sa akin upang pagaanin ang loob ko. Nakaupo kami pareho sa mga silyang inilaan para sa mga makikiramay. Bahagya naman akong ngumiti sa kaniya.
My eyes is still sore at nanghihina pa rin ang katawan ko sa hindi ko malaman na dahilan but atleast I can now manage to force a smile. Okay na iyon kahit peke atlest alam kong may nararamdaman pa rin akong iba maliban sa kalungkutan.
It's been four days since lumabas ako sa kwarto ko at nakumbinsi ako ni Yuni na tingnan si mama. Nasanay na rin ako medyo sa sakit kaya hindi na bago sa akin ngayon na tingnan muli ang puting kabaong sa aking harapan.
Nagsidatingan ang mga katrabaho nila mama at papa dati na agad namang inasikaso ni papa. Tinawag si Yuni ng parents niya para tumulong daw sa kanila. Sila ang unang tumulong sa amin ni papa maliban kay lola nang malaman nilang yumao na si mama.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him