Venus
"Sorry po, sorry po talaga, hindi na mauulit" paulit-ulit ko nang sabi sabay yuko sa harap ni ate Fely.
Nakabusangot na ang mukha nito na nakatingin sa akin
"Naulit na nga diba? Pangatlong basag na 'yan. Naku! Mukhang marami rami pang pinggan ang mababasag pag ikaw ang nagserve eh." Sermon nito sa akin.
Nahihiya naman akong napayuko. Tinanaw ko si mama at papa na naglilinis sa kabilang table na kinukulit naman 'nung Earth.
Ma. Pa I'm here, hindi niyo ba ako nakikilala? Ako ang future ng pagmamahalan ninyo. Wala ba kayong nararamdamang lukso ng dugo?
"Nakikinig ka ba?" Muling napokus ang aking atensyon kay ate Fely na halatang galit na galit na. Nawalan na yata ng pasensya.
"Po?"
Bumuntong hininga ito at kinamot ang ulo.
"Ang sabi ko mas mabuti pa kung tagahugas ka na lang o tagawalis dito. Kapag nagseserve ka kasi nanginginig 'yang kamay mo, kaya maraming nababasag," katwiran ni ate Fely.
Siya kasi ang naatasan na magturo daw sa akin sa mga basics.
Gusto ko sana si mama o di kaya ay si papa kasi nalaman ko na nag papart time job din siya dito.Pero si ate Fely ang itinuro ni lola. Hindi naman ako makatanggi.
Iniwan ako ni ate Fely at bumalik sa kanyang puwesto sa harap ng kahera. Nakabusangot na ito.
Nahiya ako kaya't pumasok na lang ako sa kitchen area. Sakto lang ang laki ng kusina.
Nagsimula na akong magligpit at maghugas sa mga kawaling ginamit at mga serving tray. Inayos ko din ang pagkaka -arrange sa mga plato.
Muntikan na naman akong makabasag ng plato dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Earth.
Isinauli lang nito ang tray at nagtataka akong tinignan bago lumabas.
Napailing na lang ako. Werdo talaga yung lalaking iyon.
Napalingon akong muli ng marinig ko ang pagsalita sa aking likuran. Akala ko ay bumalik si Earth subalit si papa ang nasa harapan ko ngayon.
Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Ah, hindi nga pala ako nakapagpakilala sa iyo kanina. Pete pala, nasa iyo na kung tatawagin mo akong kuya," nakangiti itong nakalahad ang kamay sa akin.
Si mama tawagin daw siyang ate 'tas ito naman si papa, kuya daw.
"Venus po" Pa...
"Yeah, naikwento na ni Vina sa akin." Sabi ni papa habang inilalagay ang mga maduduming pinggan sa hugasan.
"So, hindi naman sa nangingialam ako ah. But Why don't you go to police station. Alam mo na baka makatulong sila sa paghahanap ng parents mo"
I smile a little, if only you knew.
"Nasubukan ko na po, naghihintay na lang ako ng update" i lied.
Hindi naman talaga ako pumunta o lumapit man lamang sa police station. They can't help. I know it. I can't even explain the true situation to myself, sa kanila pa kaya?
"Oh, that's great! I wish you luck. Sana makita mo na agad ang parents mo." Ngumiti ito bago lumabas.
I sigh. A very long sigh.
Agad akong sumunod kay papa palabas. I have something to say. I want to say how glad I am na makita siyang muli. Masaya at may buhay.
Pero ng paglabas ko ay nakita ko ang likuran ni papa. Nakaharang siya sa daanan palabas.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him