Venus' POV
Night came and kanina pa umalis si mama. Alam kong ngayon sila magkikita ni Earth. Pinilit kong matulog at alisin sa aking isipan ang mga mangyayari mamaya pero hindi ko magawang dalawin ng antok.
Muling naglaro sa aking isipan ang mga katagang binitiwan ni lolo kanina. What if tama si Lolo? What if hindi na nga kailangan ni Earth na sagipin ko pa siya dahil siya na mismo ang sasagip sa sarili niya? Maybe I was just mistaken that time.
Kinamot ko ang aking ulo dahil sa frustration. Umayos ako sa pagkakahiga and focused my attention at the ceiling. Hinihintay ko na lang na lumipas ang oras habang tinitimbang timbang sa aking isipan kung anong pwede kong gawin mamaya.
Hindi naman ako nagkamali dahil maya maya pa ay bumaba na ako upang salubungin si mama. Medyo nagulat pa ito ng maunahan ko siyang buksan ng pintuan kaysa sa pagkatok niya pero agad namang nakabawi. Nakita ko ang mga mata ni mama na namumula at alam kong ilang sandali lang ay iiyak na ito papunta sa kaniyang kwarto.
Nang mangyari nga ay wala akong sinayang na oras. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni mama sa kusina pero hindi ko na inabala pang sagutin iyon dahil alam kong si Tita Cornel iyon at hinahanap niya si Earth. Hindi ko na rin sinubukan pang tawagan si papa at humingi ng tulong dahil natatakot akong ako na naman ang maging dahilan kung bakit mawawala ang sarili kong ama.
Muling bumalot sa aking sistema ang kalungkutan ng muling sumagi sa aking isipan ang aking natuklasan sa bagong hinaharap. Pero agad ko naman iyong winaksi at lumabas na ng bahay.
Mabagal ang aking paglalakad patungo kay Earth subalit nang marating ko ang lugar ay wala siya. Ni walang bakas ng kaniyang anino. Napatingin ako sa aking likuran subalit wala pa rin siya.
Ngalakad lakad ako roon at hinintay siya. Umupo naman ako sa madilim na parte kung saan hindi niya ako masyadong makikita pagdating niya. Isinandal ko ang aking likod sa puno at yumuko. Naghintay ako ng ilang mga sandali dahil alam kong dito pa rin siya pupunta. My intuition did not fail me ng maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga mabibigat na hakbang.
Inangat ko ang aking mukha sa pagkakayuko at nakita ko ang walang kabuhay buhay na naglalakad na si Earth. Para itong zombie habang naglalakad papalapit sa tulay. Huminto siya sa dati niyang pwesto at pinagmasdan ko lang kung anong susunod niyang gagawin. Nakikita ko mula rito ang mahinang paggalaw ng kaniyang mga balikat habang nakayuko na tila pinagmamasdan ang tubig sa ilalim.
Alam kong umiiyak na si Earth. Taas baba ang kaniyang mga balikat. Hinawakan ko ang aking dibdib ng makaramdam ng lungkot para sa kaniya. Hindi naman tumagal dahil nakita ko ang pagtuwid nito ng tayo at pagpunas ng mukha. Itinaas nito ang kamay na may hawak ng kwentas. Pinagmasdan niya iyon ng ilang sandali.
Napatayo ako sa kaba dahil sa sunod niyang ginawa. Umakyat siya sa hamba ng tulay at tumayo sa dulo nito. Ganitong eksena ang nadatnan ko noon. Mahina akong lumakad papunta sa kaniya subalit agad namang napahinto nang sumagi sa aking isipan ang mga salita ni lolo.
Bumigat ang aking pakiramdam at kinuyom na lang aking mga kamao dahil alam kong wala akong dapat gawin. Nakuntento akong pagmasdan ang kaniyang likuran mula dito sa aking kinatatayuan.
Muli akong napahakbang ng makitang nawalan siya ng balanse at muntikan ng mahulog. mas lumapit pa ako sa kaniya subalit hindi ko pinahalatang nandito ako. HIndi ko tinawag ang kaniyang pangalan.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him