10

52 2 1
                                    


Venus' POV

Ang nag aalalang mukha ni mama ang bumungad sa akin nang gumising ako. Inalis ko ang kumot at doon ko nalamang nasa kwarto  na ako. Tiningnan ko naman agad ang labas ng bintana.

"Gabi na pala," Pahayag ko

" Tubig gusto mo?" mama said while offering a glass of water infront of me. Tinaggap ko naman iyon ng walang pag aalinlangan dahil uhaw na uhaw na ako. 

"Ano po bang nangyari?" tanong ko matapos kong inumin ang binigay nito. Kinuha namn nito ang baso ko at nilagay sa lamesang katabi ng kamang aking kinahihigaan bago sumagot.

"Nahimatay ka, you don't remember?" Napailing ako, napahawak naman ako sa aking ulo ng sumakit ito sa biglaang pag iling ko. 

Muling nag alala ang mukha ni mama at lumapit sa akin.

"Sumakit po yung ulo ko kanina kaya po siguro nahimatay po ako," 

Dinaluhan naman niya ako ng sinubukan kong umupo ng maayos. "Magpahinga ka na muna, siguro dahil napagod ka kaya ka nagkaganun." 

Humiga naman ako ulit gaya ng sabi ni mama at doon ko lang napansin ang  lalaking nakaupo sa aking study table. Nakayuko ang ulo nito na tila natutulog. Sinundan naman ng tingin ni mama ang aking tinitingnan. 

Ngumiti siya sa akin at inayos ang aking kumot. 

"Kanina pa 'yan nand'yan. Pinauwi ko na nga dahil gabi na pero ang tigas ng ulo mamaya na raw pag gising ka na," may ngiti sa labi na pagkukwento nito. 

Napapailing pa siyang tiningnan muli si Earth na natutulog. Pagkatapos ay kinuha niya ang basong ginamit ko kanina at humakbang paalis. 

"Nasa baba lang ako ha kung mayroon kang kailangan. Magpahinga ka muna diyan," Bilin ni mama bago niya sinira ang pinto. Subalit wala pang isang segundo ay muling bumukas ang pinto at mula roon ay dumungaw si mama.

" At tsaka ano bang ginawa mo diyan kay Earth? Nahulog na yata sa' yo eh, alalang alala," Napapailing pa niyang sabi habang may mapanuksong ngiti sa labi. 


Magpoprotesta pa sana ako para kontrahin ang akala niya subalit sinara na niya ang pintuan ng kwarto.  Napabuntong hininga nalang ako at tinampal ang aking noo 

"Kung alam niyo lang po mama, na kayo talaga ang mahal ni Earth," pagsasalita ko sa aking sarili. Mahina lang na ako lang ang nakakarinig.  


"Gising ka na," Napalingon naman ako kay Earth na inayos ang upo at kinusot ang mata. Inayos din nito bahagya ang nagulo niyang buhok bago lumapit sa aking kinahihigaan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Sandali at tatawagin ko muna si Vina," Sunod sunod niyang sabi sa akin. Nang akmang aalis na siya ay hinawakan ko ang kaniyang kamay na sakto lang na naabot ko. Napahinto naman ito at muling lumapit sa akin.


"Ayos na ako at kakaalis lang ni ate Vina," Napatango naman ito at kinapa ang noo ko. 

"Wala ka namang lagnat ah," pagkokompara pa niya sa kaniyang temperatura.

Tinampal ko ang kamay niya na nasa noo ko kaya inalis niya iyon. ifelt uncomfortable while he did that. Hindi dahil sa baka may masama siyang gawin but I felt something weird inside my stomach. 

"Paanong nandito ka?" tanong ko sa kaniya. 

"Dahil pinanganak ako ng aking ina?" pamimilosopo pa niya dahilan upang umikot ang aking mata sa kaniya. Tumawa naman ito bago sumagot ng seryoso. 

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon