Venus' POV
I touched my lips. Kanina pa nakauwi si Earth nagmamadali itong lumabas ng dumating si mama na may dalang soup. Nagtataka naman siyang sinundan ng tingin ni mama. Walang lingon lingon itong lumabas.
Inihain ni mama ang pagkain sa harapan ko at hinayaan na akong kumain lumabas naman ito ng nasigurong kumakain na ako. Wala itong tinanong siguro'y nararamdaman niya na hindi ko pa kayang sagutin siya at heto nga at natapos na ako at nakatunganga na lang sa pinto habang nakaupo sa higaan.
Hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Nararamdaman ko pa rin ang lapat ng labi nito sa labi ko. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi kahit habang paulit ulit na nagpiplay ang eksena kanina. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi kiligin kaya hinayaan ko na lang aking nararamdaman.
Kinurot ko ang aking sarili at sinampal sampal subalit alam kong hindi ito panaginip at gising na gising ako. Napatigil ako nang maalala ang mukha ni Earth matapos niya akong mahalikan.
Agad niyang nilayo ang kaniyang mukha sa akin nang magbukas ako ng mata. Tila nagulat sa kilos na nagawa. Umawang ang labi niya habang nakatingin sa akin. Alam kong may nais siyang sabihin subalit walang salita na lumabas sa kaniyang bibig.
The heated moment awhile ago just turn to an awkward silence. He licked his lower lip while looking at me straight in the eyes na agad kong ikinapula. Natataranta naman siyang tumayo nang pumasok na si mama na may dalang tray ng sabaw.
Bakit kaya ganun ang naging reaksyon niya? Nagsisisi ba siya? Would he apologize to me because it was not his intention to kiss me?
Sumakit ang isip ko habang iniisip ang mga posibilidad. I scratch my head and decided to sleep my thoughts away. Bukas ko na lang poproblemahin ulit ang nangyari kanina. I want to rest.
When morning comes, si papa agad ang nabungaran ko sa kusina pagbaba. Nakasuot ito ng apron habang sinasalin sa plato ang bagong lutong pancake. He smiled at me when he noticed me. I greet him good morning which he returned too.
"Umupo ka na," Tumalikod naman siya pabalik habang pinagpapatuloy ang pagluluto.
"Kung nagugutom ka na pwede ka naman mauna ng kumain, nasa labas pa kasi si Vina sinasamahan niya maglakad si lolo, you know, excersise," sabi nito habang nakatalikod ito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot at inabot ang platong may laman ng pancake. Kumuha ako ng tatlong piraso and put my syrup on top of it bago iyon nilantakan.
Tahimik naman akong kumakain nang pumasok nang sabay si mama at lolo. Napangiti ako sa aking nakikita. I felt relieved seeing them healthy and alive. May humaplos sa aking puso habang naglalaro sa aking isipan ang ideyang kompleto ang aking pamilya.
" Ang kalat mo palang kumain Venus, may dumi ka sa gilid ng baba mo oh," puna ni mama nang maiupo na niya si lolo sa palaging pwesto nito at umupo rin sa harapan ko. Agad namang kumilos ang kamay ko upang punasan ang aking labi but the memories from last night suddenly appears in my mind making me blush in front of them.
Nangunot naman ang noo ni mama habang pinagmamasdan ako. "Are you okay? May sakit ka pa rin ba? Pulang pula ka kasi."
Agad ko naman tinakpan ng dalawa kong palad ang aking pisngi habang umiiling ng ilang beses. "Ma- ano lang po mainit. Iyon nga bigla pong uminit dito sa pwesto ko," pagdadahilan ko habang pilit inaalis ang memoryang naglalaro sa aking isipan.
Umupo naman sa tabi ni mama si papa. Nang lingunin ko ang deriksyon ni lolo at nagtagpo ang aming paningin ay ay agad akong umiwas. Para kasing nababasa ni lolo ang nasa aking isipan at tila hindi niya iyon nagugustuhan.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Ficção AdolescenteShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him