21

40 1 2
                                    

Venus' POV


Hindi ako naging komportable sa suot ko dahil nakapambahay lamang ako pero nang tiningnan ko si Earth na ganun din ang suot at tila walang pakialam sa sarili ay wala na akong hiya hiya pang naglakad. 

Huminto kami sa bus stop. Panakaw nakaw lang ako ng tingin sa kaniya. Gusto ko siyang sumbatan dahil hindi siya tumupad sa pangako pero nang magbalik tanaw ako ay hindi naman siya nangako sa akin na talagang babalik siya sa umaga. Maybe I'm just quiet disappointed na nagsinungaling siya. Pero imbes na sumbatan ay pinili ko na lang na tumahimik sa kanyang tabi habang pasulyap sulyap sa kaniya at hinihintay kung magsasalita ba siya o may balak ba siyang kausapin man lamang ako. 

Maingat niya akong tinulak paakyat ng bus at tsaka inalalayan paupo. 

" Saan ba tayo pupunta? Maggagabi na." Turan ko sa kaniya nang marealize kong wala siyang balak makipag usap sa akin. 

He just look at me and then smiled. "Basta." Tumahimik naman ito matapos magbigay ng hindi konkretong sagot. 

" May pagoodnight goodnight pa siya tapos hindi naman pala magpapakita sa susunod na araw. Hmp. Paasa," I mumbled to myself while looking outside the window. napansin ko naman na nakatitig lang ito sa akin. I turn my head to him and was taken aback by the way his looking at me.

"What?" medyo may irita kong tanong sa kaniya dahil hindi pa rin ako nakakamove on na umasa nga ako nang halos isang linggo sa paghihintay sa kaniya. Though hindi ko naman siya masisisi dahil hindi naman niyang sinabi na maghintay ako. Wala naman siyang ginawa para sabihing pinaasa niya ako. It's just me who keeps assuming at him and end up getting hurt.  At isa pa nag alala ako sa kaniya dahil baka ano na ang nangyari sa kaniya sa loob ng buong linggong hindi niya pagpaparamdam.

I saw him smirk at muling itinuon ang mata sa telebisyon sa loob ng bus. Napanganga ako sa kaniyang ginawa. It was not new for me to see him smirk but he looks so hot in this angle. Mahina kong kinurot ang aking hita upang maitago ang aking paghanga at binalik ang tingin sa labas. 

The sun had painted the sky to an orange-red canvas. Bumaba kami sa bus. I was in awe at the scenery in front of me. I watched him as he lead the way. Sumunod naman ako. My heart is beating fast to this romantic scenery. He literally brings me to a place where the sky touches the sea. The waves are calm and napakaganda ng buhangin. I must say that the oceans here are more breathtakingly beautiful than the oceans I saw in my previous life. 

" Yung panga mo pakipulot malapit ko ng maapakan." Biro ni Earth sa akin nang makita ang naging reaksyon ko. 

" Parang ngayon ka lang nakakita ng dagat, ah." Namamangha niyang puna sa akin. 

" Dito mo lang naman pala ako dadalhin eh dagat pa rin naman iyong nasa ilalim ng tulay," I answered him. Umiwas ako ng tingin. It's not my first time to be on a seashore though pero nakakapanibago naman talaga dahil simula ng magkasakit si mama noon ay hindi na kami nakakapamasyal pa. Laging bahay, eskwelahan at hospital lang ang aking ruta noon. kaya naman manghang mangah talaga ako dahil hindi ko aakalaing mararanasan kong muli ang magandang karanasan na ito.

Muli ko siyang binalingan ng tingin nang hindi siya sumagot. Nakita kong malamlam ang mata nito habang nakatanaw sa unahan. I nudge his side to get his attention. 

"I want to feel the sand under my feet. Gusto kong maranasan ang maglakad sa baybayin while enjoying this scenery." Napatahimik ako sa kaniyang sagot. 

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon