9

51 2 0
                                    

Venus' POV

I let out a soft groan as I open my eyes. Agad naman akong napalayo ng makita ang pamilyar na pares ng mata na sobrang lapit at titig na titig sa akin. 

"E-earth!" nauutal ko pang banggit ng kaniyang pangalan. 

"Oh, I didn't mean to wake you up," nagkamot siya ng batok habang sinasabi iyon. 

"Sorry," mahinang usal ko sa kaniya. 

"Ha?" naguguluhan naman niyang tanong. 

" I mean nakatulog pa ako sa balikat mo, nangalay ka tuloy," pag uumanhin ko pa sa kaniya. 

I heard him giggle. 

" Ako nga yung nakatulog eh,"

Our conversation was interrupted by Lolo's soft, grunts.

Agad naman akong napatayo sa aking kinauupuan at agad na lumapit kay lolo.

My eyes got watery as I saw him blink his eyes. 

" Lo!" pagyakap ko kay lolo. Naramdaman ko naman ang mahinang pagtapik niya sa likod ko. 

"Alam kong namiss mo ako, apo, pero tubig muna." 

Agad naman akong kumilos subalit naunahan na ako ni Earth. Inilalayan niya si lolong makaupo habang binibigyan ng tubig. 

Lumabas naman ako at tinawag ang unang doctor na nakita. Agad naman itong sumunod sa akin nang malaman na nagising na ang pasyente. 

" We're going to observe him for few days," sabi ng doctor bago lumabas. 

Tumango naman si mama na katabi ni papa at ni Earth. Sumugod agad sila nang tawagan ni Earth si mama na gising na si lolo. 

nang makaalis na ang doctor ay agad namang lumapit si mama kay lolo para kausapin. 

Kinwento naman niya ang totoong nangyari. 

Bumaba daw siya dahil nakaramdam siya ng uhaw subalit dahil, hindi pa masyadong gising ang diwa, so he slip in the staircase. 

Pinayuhan naman siya ni mama at tatawa tawa naman si lolo habang nakikinig sa kaniya. 

"Lo, be serious," 

Sumeryoso naman kunwari ang mukha nito pero hindi pa rin maitatago ang ngiti sa mga mata nito habang nililibot ang paningin sa amin ni mama, ni papa patungo sa akin at panghuli kay Earth. 

" Masaya lang ako apo,"

"At masaya pa talaga kayong pinag alala niyo ako," pagmamaktol ni mama.

Umiling naman si lolo. " No, what I mean is this," Minuwestra niya ang kaniyang kamay at inisa isa kaming tinuro. 

"Masayang makitang may nag aalala pala sa iyo. 'Di ba Earth?" 

Nagulat naman si Earth dahil ang pangalan niya ang binanggit ni lolo. Mahina itong tumango bilang pag sang ayon. 

"When someone worries for you, you're very lucky. Magkakaroon ka ng lakas ng loob na mas mabuhay pa kahit alam mong kaunti na lang ang oras mo sa mundo."

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon