Venus POV
Iginiya ni papa si mama sa gitna at kita ko kung paano nagsitigil ang lahat. Maging si lola na nakikipag usap sa kaniyang mga amiga ay natuon ang atensyon sa kaniyang anak. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang munting ngiti nito habang pinagmamasdan sila mama at papa kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ibinalik ko ang atensyon kanila papa nang magsimula itong magsalita at siniguradong nasa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Ladies and gents, I want to take this opportunity, para ipakilala ang babaeng nag iisang tinitibok ng aking puso," mas lalo namang napayuko si mama dahil sa pamumula.
"This is Vina soon to be Argel," he paused then smiled na tila kinilig sa sariling sinabi then continued.
"This girl, had just offer herself to be my home. I am her Peter Pan and she is my Neverland."
Narinig ko naman ang iilang panunukso mula sa mga kaibigan ni papa kaya mas lalo akong mapangiti. I want to stand and shout to them proudly saying ' that's my parents over there', pero hindi ko naman pwede iyon gawin so I make myself fell contented watching my parents froma distance declaring their true feelings to the world.
"And now, I'm pretty sure, that she's the woman I wanna spend the rest of my life with. I want to build a family with her. We'll have a child and we'll name her Venus," Napanganga naman ako dahil namention ang aking pangalan. It was just a simple gesture but I was so happy. the fact that my father is acknowledging my existence made me glad and grateful.
Napaangat ng tingin si mama kay papa dahil sa sinabi nito. Mahina naman niyang hinampas ang braso ni papa na ikinangisi lang niya at tumingin sa aking direksyon bago ako kindatan. Tango naman ang naging sagot ko habang may malawak na ngiti sa aking labi.
Seeing my parents looking so lovey dovey in this moment makes me remember the old times, when we celebrate birthdays and anniversary and thinking such times makes me miss the future.
"Daig mo pa ang nag pa engagement party bro ah!" sigaw ng isa sa mga katropa ni papa kaya nag tawanan ang lahat.
Tumayo naman si lola kaya napalingon ang ilan sa mga bisita sa kaniya. May malawak na ngiti ito habang naglalakad sa kinaroroonan nila papa. She immediately grab my mother into a tight hug and whisper something. I bet she said something nice dahil nakita ko ang unti unting pamumuo ng luha sa mata ni mama habang nakangiti.
Tinapik ni lola ang balikat ni mama matapos niya itong yakapin. Lumingon naman ito sa sariling anak "I'm proud of you son."
Kumuha si lola ng isang wine glass at itinaas sa ire. "Cheers for my son and soon to be daughter in law's future." Nakigaya naman ang lahat sa ginawa ni lola. Matapos niyon ay muli niyang kinuha ang atensyon ng lahat.
" my son and his girlfriend, Vina will give us a performance." Nilingon niya sila papa. "Will you do the honor?" Sabay naman na napatango sila mama at papa.
My father grabs mama's hand at inalalayan niya ito patungo sa grand piano. My heart beats faster. Oh how I miss home. Tago kong pinunasan ang isang luha na kumawala sa aking mata dahil sa kasiyahang nararamdaman.
Nagsimula na silang tumugtog. Nilibot ko ang aking paningin sa mga bisita at talaga namang manghang mangha sila lalo na nang magsimula ng kumanta sila mama at papa. Narinig ko naman ang impit na tili ni Ate Fely sa kabilang table at tila pinipigilan ang kilig dahil sa nasaksihan. Napangisi na lang ako.
If I could have a camera I want to capture this moment; every details and emotion and bring this to the future when I return, then proudly show this to my friends and show off how lucky I am with my parents.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him