Venus' POV
Pasan ako ni Earth habang papauwi kami. I can't help but smell his fragrance. He smells like home to me. Napakapayapa ng nararamdaman ko kapag siya ang kasama. It's like I don't need to worry about what will happen next. The future will take care of itself.
Mas mabilis kaysa aking inaasahan ang pagdating namin sa bahay. Si mama ang nagbukas ng pinto at agad namang rumehistro sa magandang mukha nito ang pagtataka nang makita ang posisyon namin ni Earth.
Tumikhim si Earth kaya naman bumalik sa reyalidad si mama. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan at pinapasok kami. Dumiretso naman si Earth sa pag akyat ng hagdanan patungong kwarto ko. Marahan niya akong binaba sa aking higaan at doon ako umupo.
Nakasunod naman si mama sa amin na naghihintay ng eksplinasyon.
"Ano bang nangyari? Napaaway ba kayo?"
Umiling ako kay mama habang wala namang imik si Earth sa gilid. Ibinaling ni mama ang kaniyang tingin kay Earth at ito naman ang tinanong.
"Kung ganun, anong nangyari sa mukha mo Earth?" Hindi pa rin umimik si Earth.
"Hindi ka nga nagpakita sa amin ng ilang araw pero pupunta ka naman dito na ganyan ang lagay mo? Ano bang nangyayari sa'yo?" Halata ang pag ka inis sa boses ni mama.
"I'll explain everything. Pero hindi ngayon Vina. Hayaan mo munang magpahinga si Venus," seryosong sagot ni Earth.
Napalunok ako dahil sa lamig ng pakikitungo ni Earth kay mama ngayon.
Isang malalim naman na buntong hininga ang ginawa ni mama na parang nagpipigil kung anong sasabihin. Tumingin ito sa akin at nang makita ang nanghihina kong kondisyon ay napatango lamang ito saka humakbang paatras.
"Ipaghahanda na lang muna kita ng makakain para naman makakain ka," I nod at lumabas na si mama.
Humiga ako sa aking higaan. Nang akmang lalabas na rin si Earth ng walang paalam ay pinigilan ko siya gamit ng pag abot ng kamay niya.
"Can you stay for awhile?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon pero hindi naman siya muling humakbang paalis.
"Let's talk,"
"Bukas na," simpleng sagot nito. Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod pa rin ito sa akin.
"Let's talk. Right now." Pinal kong sabi. Hindi ko alam pero nararamdaman ko kasi na 'pag hindi ko siya nakausap ngayon ay matagal pa bago makakuha ako ulit ng pagkakataon. Baka lumayo siyang muli sa akin dahil ako iyong ayaw na lumayo o mas magandang sabihin na hindi ko kayang lumayo sa kaniya.
He give up and finally turn his body towards me. Napangiti naman ako ng palihim. Binitiwan ko ang kamay niya at tumalikod naman siya patungong study table ko at kinuha roon ang upuan. Inalagay niya iyon sa gilid ng aking hinihigaan bago umupo. Tumagilid naman ako ng higa para makita ko ng mas maayos ang mukha niya.
"So, tell me." Pagaaya ko sa kaniya. Bumuntong hininga ito bago ako tingnan ng malumanay. Napakaraming emosyong naglalaro sa kaniyang mata na hindi ko mapangalanan.
"All the stories you can't say to them, spill it all to me, I'm willing to listen. Kung hindi mo alam kung saan ka magsisimula, then start where you are most comfortable to talk about. "
"Bakit ba 'pag may masamang nangyayari sa akin, you are always there. You are always there to witnessed my broken side."
Maliit na ngiti ang pinakawalan ko bago ko siya sinagot. "Maybe it's fate? I'm destined to save you?"
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him