Venus' POV
I was awaken by my mother's knocks on the door. Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit sa ibabaw ng TV set at nakita kong pasado alas dyes na. I open the door wide enough for her. Kinusot ko pa ang aking mata habang pinagmamasdan ang kaniyang hitsura papasok. She look terrible na tila galing sa pag iyak.
Kaagad nagising ang aking diwa dahil sa realisasyon.
" Ano pong nangyari?" pagtatanong ko sa kaniya.
Dumeritso ito sa kusina na hindi sinasagot ang tanong ko. Sumunod ako dala pa rin ang parehong tanong para sa kaniya. Kinalma muna niya ang sarili. Nang tumingin ito sa akin at nag abot ang aming tingin ay doon ako binalot ng kaba. Kaba na tila alam kong may susunod na hindi magandang mangyayari.
Agad nitong pinunasan ang luhang tumakas sa kaniyang mata.
"I think not now Venus, I - I need to sort out my thoughts first," kalmado ng paalam nito sa akin bago dahan dahang umakyat pataas. Sinundan ko siya ng tingin.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Galing si mama sa usapan nila Earth. I felt so curios kung anong pinag usapan nila at ganun na lamang ang kaniyang reaksyon ngayon. Hangga't ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan na sila Earth. Naalala ko bigla ang sulat ni mama. Dali dali akong umakyat pabalik sa kwartong aking kinatutuluyan at binuklat ang sulat.
Nanlamig ang aking kamay dahil sa reyalisasyon.
"Hindi kaya-?" Sana ay mali ang aking hinala na ngayon ang araw na nireject siya ni mama. I hope not but my instincts keep telling me that I should find earth right now and be beside him right at this moment.
Hindi na ako nag abalang magbihis. Suot pa rin ang pantulog ay agad na akong bumaba. I was about to open the door but I stop on my tracks when I heard a phones ringtone. Napalingon ako sa kusina at agad nilapitan ang cellphone ni mama na nagriring sa lamesa. Naiwan niya yata kanina. Natapos ang tawag na hindi ko nasasagot. Pinulot ko ang cellphone ni mama at muli na naman itong nagring. This time I saw tita Cornel's name as the registered number.
I did not waste any seconds and hit the answer button.
"Vina? Hello? Kasama mo pa ba si Earth?" boses iyon ni Tita Cornel, mama ni Earth ang nasa kabilang linya.
"Si Venus po ito tita. Naiwan po ni mama ang cellphone niya rito," pagpapaliwanag ko.
"Nakauwi na ba siya? Si Earth kasama ba niya?"
"Opo nakauwi na po pero hindi po niya kasama si Earth." Magalang na sagot ko.
"Diyos ko nasaan na kaya ang batang iyon." halata sa boses ni Tita ang pag aalala.
"Sige. Sige Venus, salamat ha. Hihintayin ko na lang siya rito." pagpapaalam nito. Siya na rin mismo ang tumapos ng tawag.
Nang ibaba ni tita ang tawag ay napatitig na lang ako sa cellphone na hawak. Mas lalong lumakas ang masamang kutob ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko basta nakita ko na lang ang aking sarili na pinipindot ang numero ni papa. Agad naman niya iyong sinagot na tila kanina pa ito naghihintay sa harap ng telepono.
"Vina! thank God you called. Akala ko ay nakalimutan mo na ako," May pagmamaktol na parang bata ang tono sa boses nito. Kung sa ibang sitwasyon ito ay mapapangiti na sana ako.
BINABASA MO ANG
Her last letter to Earth
Teen FictionShe's not talking about the planet. She's not talking about your home. She's talking about a guy named Earth and how she wished she could save him