23

39 1 0
                                    

Venus' POV


The vigil took only three days and now we are finally sending lolo off to a place more beautiful than home. Hindi na namin pinatagal pa ang lamay. Wala naman daw kasing inaasahang ibang kamag anak na makikiramay ayon kay mama. Mother is far from being better pero mas maayos na ang kaniyang kalagayan ngayon kaysa noong unang lamay ni lolo na palagi na lang siyang nahihimatay dahil sa walang kain, kulang sa tulog at pati na rin siguro emotional pain ay naging dahilan kung bakit palaging nawawalan ng ulirat si mama. 


Isa isa na naming hinulog ang mga puting rosas na si Lola pa ang nagbili mismo. When it was my turn to throw the roses down to his almost buried casket, I also send away my simple prayer for him.

" I hope you're watching us now, Lo. I hope you are happy and healthier up there than you were here on land. And I hope you won't forget me, your grand granddaughter. thank you so much for everything especially for acknowledging my existence " I said silently at my thoughts. I smiled bitterly as memories with Lolo flashed through my mind. 

Dahan dahan ng tinabunan ang puting kabaong ni lolo at kasabay ng pagbaon namin sa kaniya ay mas lalo lamang umusbong ang aming pagmamahal para sa kaniya. Nagsiuwian na ang ibang nakidalamhati habang kami na lang ni mama, papa, si lola at ang pamilya ni Earth ang naiwan. Hinhintay na muna naming kumalma si mama. Hindi iniwan ni papa si mama sa mga lumipas na mahihirap na araw. Mas napatunayan nito kung hangga't saan ang aabutin ng pagmamahal ni papa para kay mama lalo na't ulila na nga ito. 

Narinig ko naman si lola na nais niyang patirahin muna si mama sa kanila pero hindi ko pa naririnig ang sagot ni mama para dito. Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Earth sa aking kamay. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at sinundan ko kung saan nakatuon ang atensyon niya ngayon. Bigla naman akong nalungkot nang mapagtanto kong kina mama siya nakatutok. bahagya akong umiwas sa pagkakatabi sa kaniya. Hindi pa naghihilom ang sugat sa aking puso dala ng pagkawala ni lolo ayaw ko munang dagdagan iyon dahil sa buhay pag ibig na wala namang kasiguraduhan kung masusuklian nga ba ni Earth o hindi. Naramdaman kong tumingin ito sa akin subalit hindi na ako nagsalita pa. 


Nang kumulimlim ay nagdahan dahan na kaming umalis sa sementeryo. Magpapaiwan pa nga sana si mama kung hindi lang siya na hikayat ni papa na umuwi na at babalik na lang bukas para bumisita. 


Dumating kami sa bahay na tahimik. Binuksan ko isa isa ang mga bintana. Nalinis na rin nila lola ang ilang kalat. Kung wala si lola ay hindi namin alam ni mama kung ano ang aming gagawin. Nauna ng umalis si Earth at sila Tita Cornel. Nagpaiwan si papa at sinamahan niya si mama sa salas. Mahinang- mahina si mama. Hindi lang katawan nito ang mahina, hindi lang mata kundi pati na rin puso. Pumanhik ako pataas at iniwan sila sa baba. Nakakabingi ang katahimikan sa bahay that it started to make feel scared. Namimiss ko na si lolo kaya imbes na pumasok sa aking kwarto at magpahinga ay doon ako dumiretso sa kwarto ni lolo. 

Binuksan ko ang kurtinang nakatabing sa bintana at bumungad sa akin ang makulimlim na langit. Umaambon na rin. Hinayaan kong makapasok ang malamig na hangin at inilibot ang paningin sa loob ng kwarto ni lolo. Simple lang naman ang nasa loob nito. Hindi pa rin nagagalaw ang mga gamit. Kung ano kwarto noong nawala si lolo ay ganun pa rin ito hanggang ngayon. Tumungo ako sa kama ni lolo at naupo doon. Nakatitig lang ako sa pintuan na tila maya- maya lang ay magbubukas iyon at lalabas si lolo. Napabuntong hininga ako dahil wala namang nangyari. Bakit kasi kung lailan nakakaramdam na ako ng kapayapaan at kaligayahan tsaka naman darating ang mga trahedya. Mukhang ayaw yata ng tadhana na maging masaya ako. kaya minsan nakakatakot maging masaya dahil alam mong mawawala rin ito kaagad. May kapalit.

Her last letter to EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon